HCHM 47

4.8K 77 4
                                    

***

Twinkle's. 

5:30PM in the afternoon na. Nagtataka ako kasi nagpapaganda si Shine. Saan naman kaya ang punta ng babaeng ito? Pinagbihis nga din niya ako, eh. Sinuot ko yung dress na binili namin kanina. Pinahiram nga niya ako ng wedge, eh. Yung color white na wedge niya na mula pa yata sa London. 

"Where are we going?" Balak ko sanang ipitin ang buhok ko ngunit hindi ako pinag-ipit ni Shine. Ang ginawa pa niya, nilagyan niya ako ng full bangs. Hindi tuloy nakikita ang noo ko. Hmp! Pero, okay lang. Ang cute ko naman, eh. 

"Basta! Sumama ka na lang sa akin, okay? Its your birthday so you need to be happy! Wag ka ngang KJ, okay?!" 

Iningusan ko na lang siya at tumango ako. "K," sabi ko na lang. 

Nang matapos mag-ayos si Shine, lumabas na kami ng kuwarto niya. Bumaba na kami at lumabas ng bahay. Nabigla pa ako nang makita ko ang kotse niya sa labas. Saan ba talaga kami pupunta? Clueless me! 

Sumakay na kami sa kotse niya. "Saan ba talaga tayo pupunta?" 

Tumingin siya sa akin. May kung anong kinuha siya sa tabi niya. Panyo yun. Nagulat ako nang itulak niya ako patalikod at itali sa akin yung panyo. Ano to? Hide and clap ang peg? 

"W-what's t-this?" 

"Manahimik ka na lang muna best friend." Nang matapos niyang itali yung panyo, naramdaman ko na lamang na naandar na kami. 

"Shine naman, eh. Baka naman ihuhulog mo na ako sa bangin, ha? Di mo lang sinasabi sa akin." Sabi ko sa kanya. Narinig ko lang siyang tumawa. 

After 10 minutes, naramdaman ko na lamang na tumigil na yung sasakyan. Naramdaman ko din na lumabas na si Shine ng kotse. Maya-maya naramdaman ko na bumukas yung pinto sa side ko. "Shine, nasan ba tayo?" 

"Ssshhh!" 

Hinawakan ni Shine ang kamay ko at inalalayan ako. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami. Nasaan kaya kami? Naramdaman ko na pumasok kami sa isang gate. Napakunot-noo ako. Ang lakas kasi ng sounds na nagmumula sa loob. 

"Bar ba ito?" Tanong ko uli. 

"Hindi. Shunga!" Rinig kong sabi ni Shine. 

"Eh tanggalin mo na kasi yung nasa mata ko! Ang dilim kaya! Ano ba to? Magha-hide ang clap ba tayo dito? Eh di sana nagpantulog na lang ako!" Sabi ko sa kanya. 

"Mamaya kasi! Ang ingay mo, eh!" Bigla na lamang tumahimik si Shine.

Pumasok kami sa loob. Nawala din yung sounds. Pakiramdam ko, ang daming tao at halos lahat nakatingin sa akin. Aba! Malay ko ba? Hello? Naka-piring po ako! Hindi ko alam kung ano ang itsura ng mukha nila nang makita ako. 

His Crazy Hired MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon