~~~
"KINAKABAHAN ako." Sabi ni Twinkle kay Justine. Nasa labas na kasi kami ng bahay nila. Sinundo niya ako kanina sa bahay. Nagulat pa nga si Pula nang makita dun si Singkit. Sinabi ko naman sa kanya ang totoo na gusto lang akong makilala ng mommy at tita ni Singkit pero nagalit yata kasi hindi ako pinansin. Problema nun? Haha.
Tumingin siya akin. "Why? Gusto ka lang naman nila makilala. Yun lang. So, why are you nervous?" Hinawakan niya ang kamay ko. "Ipakikilala lang kita,"
Huminga muna ako ng malalim saka ako tumango. "Sige na nga," sabi ko sa kanya. Oo nga naman. We're just best friends. So, bakit ako kakabahan? Gusto lang ako makilala ng mommy at tita niya. Yun lang. Para akong tanga.
Nang makapasok kami ng bahay, nandon na kaagad ang ina at tita niya. Nasa dining area ang mga ito at nakaupo. May mga pagkain dun. Ngumiti agad yung mommy at tita ni Singkit sa akin. Parang alam ko na agad kung sino ang mommy at tita niya.
His mother is beautiful. Pati rin ang tita niya. Nakangiting lumapit kami sa kanila. "Ahmm, good morning po. Ako po si ----"
"Oh, totoo pala naman ang sinasabi ng anak ko." Ngumiti yung mama ni Singkit. "You're so pretty and cute. Hi, Twinkle. Nice to meet you!" Tumayo siya at hinalikan ako sa pisngi. Kahit nagtataka ako, ngumiti na lang din ako.
Tumayo naman yung tita yata ni Singkit. Tuwang-tuwa siyang naglakad palapit sa akin. "Gosh! Mas pretty ka pala sa malapitan." Hinalikan niya ako sa pisngit. "Nice to meet you!" Pagkasabi niyon, bumalik na siya sa upuan niya.
Naupo naman kami ni Singkit. Magkatabi kami. Sa harap nila kami naupo. Malapitan? So, ibig sabihin, nakita na niya ako? Saan naman kaya? Hindi kaya, ito yung mommy nung mommy nung batang pamangkin ni Justine?
"Ahmmm, alam mo bang gustong-gusto ka ---"
"Ma." Parang nagwa-warning ang boses ni Singkit. Kaya hindi na itinuloy ng mommy niya yung sasabihin dapat.
Ano naman kaya yun? Hayyy.
"Ahh, hehehe. Nothing. So, how old are you?" Yun na lang ang tinanong niya sa akin.
I smiled. "Sixteen lang po ako," inabutan ako ni Justine ng makakain. Tutal, gutom na ako kaya kumain na din ako. Wala ng hiya-hiya to.
"Classmate ba kayo?" Tanong pa ng tita ni Singkit.
"Ahmmm, hindi po."
"So, schoolmates lang? Alam mo bang ikaw ang dahilan kung bakit 'yan lumipat sa school niyo? Cute mo daw kasi, eh." Nakangiting sabi pa ng mama ni Singkit.
Sumulyap muna ako kay Justine na tila nahihiya na sa pinagsasasabi ng pamilya niya. Napangiti ako. "Alam ko po 'yun. Nasabi na niya po sa akin. Makulit po kasi sa'kin 'yan, e."
Nang matapos kaming kumain, nagpaalam ang tita ni Justine na papanhik na daw muna sa itaas dahil nakinig niyang naiyak ang anak niya. Si Justine naman, nasa kuwarto niya. Kaya kami ng mama niya, nasa garden lang at nakaupo sa swing nila doon.
"Twinkle, don't you like my son?"
Napatingin ako sa kanya. "We're best friends,"
"Yea, I know. May mahal ka na ba?" Tanong pa niya.
Ngumiti ako. "Opo. Yung boss ko po na si Red."
BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomanceWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?