~~~
INIWAS ni Twinkle ang tingin niya kay Pula. Sa kanya daw ito malapit ma-in love? Siraulo ba ito? Baka naman binibiro lang siya nito. Hehehe! Assuming ko naman kasi.
Bahagya siyang lumayo rito. "Ngeek? N-nice joke, Pula!"
Ngumiti lang ito sa kanya. See? He was just joking. Pero, kinilig pa rin ako 'no! Paano nga kaya kung totoo na malapit na itong ma-in love sa kanya? Ano kaya ang mararamdaman niya? Hayy! Sobrang saya niya siguro!
"Kumusta naman kayo ni Justine?"
"Okay lang. Best friends kami 'non. Bakit hindi kayo maging friends? Mabait naman kasi 'yon, e. Kulit-kulit kaya 'non."
"I don't like him."
Napanguso siya. "Bakit naman? Mabait naman kasi ----"
"I hate him because he likes you."
"H-ha? What do you mean?"
"Ayoko sa kanya dahil gusto ka niya. Intindi mo na? Tinagalog ko na." Inismiran siya nito.
Hindi siya nagsalita dahil sa sinabi nito. Hindi niya gusto maging kaibigan si Justine dahil may gusto sa kanya si Justine? Oh crap! Nagseselos kaya 'to? Nyahahaha!
"Bakit naman?"
"Don't ask too many questions."
"Sus, ang arte mo. Nagseselos ka kay Justine 'no?"
Tumingin ito sa kanya. And again, natahimik na naman siya. Bakit ba kasi nakakatakot ang mga titig nito? Parang kakainin siya anytime!
Hindi ito sumagot. Tumayo na ito. Nagulat pa siya nang hawakan nito ang kamay niya at higitin siya patayo. Dahil sa lakas ng pagkakahigit nito sa kanya, napasubsob siya sa dibdib nito habang napayakap ito sa kanya.
Lalayo na sana siya rito ngunit lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. "H-huy, a-ano ba ang ---"
"Let's just stay like this for a while. Nilalamig kasi ako,"
"N-nilalamig ka? E-eh, tara na ---"
"No." Mariing sabi nito.
Okay? Kinikilig siya! "Ahmm ---"
"Shut up, Yuri. I'm your boss. So, stop talking."
Hindi na lang siya nagsalita. Kaysa naman makipagtalo pa dito. Ito na, e! Nakayakap na ito sa kanya! Kinikilig talaga siya! Bwahahahahaha!
Nakatitig lang ito sa kanya nang maghiwalay sila. Ano kaya ang meron dito? Ang sweet kasi nito ngayon, e. No! Noong thursday pa pala!
Napaurong siya nang mag-lean forward ito sa kanya. Ngunit, hinawakan lang nito ang baiwang niya parang pigilan siya. Napahawak siya sa balikat nito.
"H-hey, w-what are you doing?"
"Can I kiss you?" Lakas-loob na tanong nito.
"Gago ka ba? 'Bat mo naman ako hahalikan? Utusan mo na ---- " Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang tuluyan na siyang halikan nito. Nanlaki ang mata niya. Mas lalong humigpit ang pagkakapit niya sa balikat nito.
Nang gumalaw ang labi nito, napapikit na lang siya ng mata. Oh crap! What's the meaning of this kiss? Hindi siya humihinga habang hinahalikan siya nito. She can't kiss him back dahil sa gulat niya! As always naman e!
Nang tapusin nito iyong halik, ay tulala pa din siya. Napakurap lang siya nang tapikin nito iyong noo niya.
"Sorry, Yuri. I can't help it. Your lips was too soft." He winked at her.
BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
Любовные романыWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?