Sinipag po kasi akong mag-update ngayon. Hahahaha! Sana magustuhan niyo po yung iba kong updates. Vote and comment po kayo. Tatanggapin ko po ang comment niyo na kahit ano.
Maraming salamat po. :)
- Kai
~~~
PEREZ PARK. Doon nagpunta si Twinkle at si Red nang umalis sila kaninang 6:30am sa bahay nina Percy. Hindi na din sila nakapagpaalam kasi tulog pa ang mga tao doon. Doon din sa bahay nina Percy natulog iyong ibang kaibigan at kaklase nito. Iyong tatlo naman na sina Blake, ay umuwi daw matapos mangyari iyong aksidente.
Si Bella? Umalis na ito matapos siyang itulak sa pool. Letseng babaeng iyon. Pinahiya pa talaga siya e sobrang dami ng tao doon! Tsssk. Pababayaan na lang niya iyon! Pero kapag naulit pa ang pananakit sa kanya ni Bella, talagang lalaban na siya!
Perez park, iyon ang pinakamagandang park sa bayan nila. Hindi ito iyong park na makakainan ng isaw. Let's say na parang private park ito. Ang mga tinitinda dito ay mga burger, spaghetti. Iyong mga sosyal na pagkain din.
Sa may lake sila pumunta. Naupo sila sa damuhan doon. Sandali siyang iniwan ni Pula para bumili ng pagkain. After 10minutes, bumalik na rin ito. Hamburger at Coke lang ang binili nito. Siympre, dalawa ang burger niya kasi gutom siya! Bwahahaha!
Kaagad na kinain niya iyong burger. Gutom kasi talaga siya!
"Dahan-dahan, Yuri. Hindi ka naman mauubusan siguro." Sabi ni Pula. Nagsimula na din itong kumain.
"Eh anong...." Lumunok siya. "Magagawa mo? Gutom po kasi ako," kumagat na uli siya. Nang maubos na iyong isa, ay iyong isa naman ang kinain niya.
Nang matapos silang kumain ay nagtambay pa sila doon. Nakatulog na kasi siya kanina kina Percy. Nauna pa nga siyang magising kaysa dito kay Pula. Hinampas lang niya ito ng unan kaya ito nagising.
"So, busog ka na, Yuri?"
Napatingin siya sa amo niya, sabay ngiti. "Opo, boss! Thank you!" Tumawa siya. "Papalinis ka ba ng condo mo?"
"Wow. Nag-offer ka?" Tumawa ito. "God, Yuri! First time yata 'yan, ah. Nilibre kasi kita kaya lilinisin mo ang condo ko!"
Napatawa siya. "Joke lang. Pero, baka nga may iuutos ka?"
Umiling ito. "Bahala na mamaya."
Bigla niyang naalala na may pasok nga pala sila! "M-may pasok tayo 'di ba?"
Tumango ito. "Oo, bakit?"
"Hindi ba tayo papasok?"
"Hindi,"
"Eh?! Bakit?! Hindi na din tayo pumasok kaha ---"
"Huwag kang Oa. Ayos lang 'yon."
"Sigurado ka, Pula?"
Tumango ito.
"Okay. Hayy! Miss ko na si Shine!" Sabi niya.
"Bakit hindi mo itext? Papuntahin mo mamaya sa bahay kapag oras na ng labasan. Puwede naman 'yon, e."
"Puwede kaming tumambay sa bahay mo?"
"Oo. Bakit? May sinabi ba akong bawal?"
BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomanceWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?