HCHM 33

5.3K 90 3
                                    

~~~

 "WOAH? Anong meron? Thursday pa lang naman, a. Inuman kaagad?" Sabi ni Harold kay Red. Nasa Max Bar sila. 

Silang apat lang ang naroon. Balak sumama sa kanila ni Bella pero hindi niya ito sinama. Nabubuwisit lang siya. 

Hindi niya alam pero ang dahilan kaya siya nag-akit ngayon ay iyong sagot ni Yuri kanina sa tanong niya. Kaninang hapon lang. At talagang iniwan pa siya sa field! Anong klaseng katulong ba ang babaeng iyon talaga?! 

Hindi niya alam pero para siyang nasaktan sa sinabi nito. Shit! Ano ba ang nangyayari sa akin?! Maya-maya ay biglang may tumapik sa likod niya. 

"Hoy! Anong problema mo?" Si Zach iyon. Tiningnan niya ito ng masama. "Why? Bakit ba kasi ang tahimik mo? Niyaya mo kami dito tapos tatahimik ka diyan? Gago ka brad." 

Isinandal niya iyong likod niya sa kinauupuan. "What do you think? Bakit kaya ganito ang nararamdaman ko? Kay Yuri? Naaasar ako kapag nakikita kong kasama niya ang Singkit na 'yon." 

"What do you mean?" Kunot-noong tanong ni Zach sa kanya. 

He shrugged. "I don't know. Naguguluhan na din ako. Kakaiba kasi ang maid ko na 'yon! Naaasar na ako sa sarili ko. 'Tapos she asked me kung nagseselos daw ba ako kay Justine." 

"Gago ka talaga 'no?" Sabay-sabay kaming napatingin kay Blake na kanina pa tahimik. Nilalaro nito iyong hawak nitong bote ng beer. Tiningnan siya nito. "Isn't obvious? Your maid likes you. Tarantado ka." 

"How can you be so sure?" 

"Just a feeling," ininom na nito iyong bote ng beer. 

"Ikaw ang gago." Sabi naman niya rito. 

Yea, he admit. He felt happy noong araw na nakasama niya ito sa Perez park. Hindi niya alam ang nararamdaman niya, lalo na noong pagsayawin sila ng dalawang clowns na iyon. Napikon pati siya ng pisilin ng clown iyong pisngi ni Yuri at halikan pa noong isa ang kamay nito. 

Fuck! Nagseselos ka ba ako sa Singkit na 'yon?! NO! Di hamak na mas guwapo naman siya sa Justine na 'yon! Pati, bakit naman siya magseselos? 

"Bakit kasi nagde-deny ka pa?" Si Harold naman iyong nagsalita. "Halata naman kanina sa canteen na nagseselos ka. Barkada mo kami. 'Di mo kami maloloko, ulol." 

"I am not jealous! Period." 

Nagkibit-balikat na lang ang mga ito. Mukhang hindi naniniwala ang mga ito sa kanya. Why not? E totoo naman ang sinasabi niya. He's not jealous. And why would he? 

"Of course not. Bakit naman kita magugustuhan?" 

Shit! Bakit pa kasi niya tinanong kung nagsasabi ito ng totoo? Gusto nga kaya siya ni Yuri? Si Blake na din ang nagsabi. At paano naman nito nalaman iyon? 

Tinanong niya si Yuri ngunit tumanggi naman ito. So, sino ang nagsasabi ng totoo sa dalawa? Si Yuri o si Blake? P*ta! Bakit ko ba kasi iniisip yon?! 

11pm na ngunit nananatili pa din silang naroon. Actually, hilong-hilo na siya. Nakailang sunod ba naman siyang uminom ng beer? Wala siyang tigil. Ayaw niya kasing mag-isip. 

"Red, let's go. Gabing-gabi na." Narining niyang sabi ni Zach. 

Umiling siya. "N-no. Mauna na kayo. D-dito muna ako," sabi niya kahit naikot na ang paningin niya. 

His Crazy Hired MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon