*
Isang linggo na ang nakalipas at nagkaayos na kami ni Pula. Nag-sorry na siya sa akin. Kinilig ako sa mga sinabi niya, eh. Kaya ayun, balik na naman kami sa dati. Sabi niya sa akin, iiwasan na daw niya si Mae, pero hindi ko alam kung ginagawa niya. Sabi din niya, iwasan ko daw si Jayvee. Bakit naman kaya? Wala naman ginagawang masama sa akin si Jayvee.
Palagi niya akong binabati. Mabait naman siya. Nilibre pa nga niya ako sa canteen. Binili din niya ako ng cake. Bait naman diba? Siraulo lang talaga si Red.
"Hi Twinkle!"
Napatigil ako sa paglalakad at niligon ko yung tumawag sa akin. Si Jayvee yun. Nakangiti siya sa akin habang nakatayo sa di-kalayuan. Ngumiti ako sa kanya tapos tumango. "Bakit?"
Naglakad siya palapit sa akin. "Breaktime niyo na ba?"
Tumango ako. "Oo. Bakit?"
Ngumiti siya at inakbayan ako. Palagi naman siyang ganito kaya nasanay na din ako. Tinanong na nga ako nina Justine kung bakit lagi ko na daw kasama itong transferee na to. Sinabi ko naman sa kanila na wala kasing kakilala.
"Walang kakilala? Ilang araw na siya dito wala pa ding kakilala? Imposible naman yata nun. May kaklase naman siya ah?" Yun ang sabi ni Zach. Sumang-ayon naman dun si Blake, Harold at si Justine.
"Puwedeng sabay tayo?"
Inalis ko yung braso niya sa balikat ko. "Alis nga! Ang bigat mo eh. Pati, kaya mo na naman sigurong kumain ng mag-isa 'di ba?"
Umiling siya. "Hindi nga, eh." Tapos nagkamot siya sa batok niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi ka na bata. Kaya mo 'yan. Hala shuu! Go and eat yourself. Kaya mo 'yan, K?" Aalis na sana ako pero bigla niya akong hinigit. "A-aray ko! A-ano ---"
"Tara na nga kasi!"
Hindi ako makapagsalita dahil higit-higit niya ako. Hanggang makarating na kami sa cafeteria. Letse! Lakas ng loob higitin ako ng lalaking to ah! Siya na pati mismo ang nag-upo sa akin sa kakainan namin.
Um-order lang siya ng pagkain. Maya-maya, naupo na siya sa harap ko. Binigay niya yung mga binili niya sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya. Ano kaya ang problema ng kumag na 'to? Sinabi ko ba sa kanya na ilibre ako? Pero.... thanks to him na din.
"Ano ba talagang problema mong lalaki ka ha? Alam mo bang, boyfriend ko dapat ang kasama kong kakain ngayon, ha?" Kinuha ko yung tinidor at itinapat ko sa kanya. "Gusto mong saksak ko 'to sayo?"
"Yung boyfriend mo? Eh kasama naman niya si ----" Natutop niya yung sariling bibig niya. "Oopss. Daldal ko talaga."
BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomanceWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?