HCHM 29

6K 115 6
                                    

~~~

KASALUKUYANG inilalagay na ni Twinkle pinamili niya sa refrigerator sa condo ni Pula. Napagod talaga siya dahil ang bibigat ng mga bitbit niya. Inaantok na pati siya. Nang matapos siya sa paglalagay ay naupo siya sa kama ni Pula. 

Pinahid niya ang pawis na nasa noo niya at huminga siya ng malalim. Nahiga siya sandali sa kama ni Pula. 

Galit pa ba ako sa amo ko? Hindi ko naman kasi siya matiis e. Pero, kapag naaalala ko yong sinabi niya. Naiiyak at nasasaktan ako! Bakit ba kasi na-in love ako sa taong yun? Dati-rati naman, asar na asar ako don. Tapos ngayon? I'm secretly loving him. Love na nga ba ang tawag sa nararamdaman ko? 

She closed her eyes. Paano na lang kaya kung umalis na siya sa bahay nina Pula? Maghanap na lang kaya siya ng ibang trabaho? Pero, hindi na kasi siya sanay, e. Pati, mamimiss niya si Tita Leah. 

Napamulat siya nang mata nang maramdamang parang may nakatingin sa kanya. Bumangon siya. Hindi nga siya nagkamali. Nandoon si Pula. Nakasandal ito sa pader habang nakatingin sa kanya. Nakapamulsa pa ito. 

Tinaasan niya ito ng kilay. "Anong ginagawa mo diyan?" 

"Tinitingnan ka." 

"Alam ko," tumayo siya. "Nasa refrigerator na lahat ng binili ko. Ikaw na ang tumingin. Uuwi na ako at ako'y inaantok na." 

Lalampasan na sana niya ito kaso maagap na nahawakan nito ang braso niya. Isinandal siya nito sa pader at ikinulong sa mga braso nito. OmyG! Not now, please! Galit ako! Galit ako! Pero, bat kinikilig ako ngayon?! Ah-ah naman e! 

"Where do you think you're going?" Tanong nito. Inilapit nito ang mukha nito sa mukha niya. Maliit siya. Kaya parang nakatingala siya rito. 

She looked at him directly to his eyes, acting like she's not scared. Pero, natatakot talaga ako ng kaunti. "Nowhere to found." Tipid na sagot niya. 

He smiled a little. "Paano kapag nakita kita?" 

Inirapan niya ito. "Suwerte mo. Malas ko kasi nakita mo ako." 

"So, galit ka sa akin, Yuri?" 

"Hindi ba halata? Letse ka. Sama ng ugali mo. Kung ano-ano kaagad ang pinagsasasabi mo. Ni hindi mo nga alam ang nangyari." 

"Ano ba talaga ang nangyari?" He asked. 

"Bakit ka ba interesado? Ako nga, kapag nakikita kitang hinahalikan mo si Bella, hindi naman ako nagagalit. Tapos 'nong nakita mo lang na halikan ako ni Singkit, nagalit ka na? Ang unfair naman yata 'non?" Iningusan niya ito. 

"Don't tell me na nagseselos ka kapag hinahalikan ko si Bella?" Mas lalo pang lumapit ng husto ang mukha nito sa kanya. "Are you jealous, Yuri?" Tanong nito habang nakatingin sa mga mata niya. 

His Crazy Hired MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon