HCHM 12

7.3K 124 8
                                    

***** 

HINDI mapakali si Twinkle habang nakahiga sa kanyang kama. Hanggang ngayon kasi, hindi pa din niya makalimutan ang paghalik sa kanya ng amo niyang bakulaw na si Pula. Naaasar talaga siya kasi first kiss niya iyon. Paano na lang kapag  nagkita sila bukas ng umaga doon sa bahay? Sa school? O kaya paano na lang kung maabutan na naman siya nito sa condo nito? Paano kapag naisip nito iyong halik? Hahalikan kaya uli.... Agggh! 

Bakit ko ba iniisip na hahalikan niya uli ako?! Letse! Nasisiraan na ako ng bait. 'Bat ba kasi hinalikan niya ako?! Kung tunay na lalaki siya, kahit asarin siyang bakla! Hindi niya gagawin iyon kung may respeto siya sa babae! Hindi puwedeng nang-hahalik na lang basta! Hindi na virgin ang labi ko! Huhuhuhuhuhu. Pag-da-drama ng utak niya. 

Sanay na si Pula sa ganoon. Halik? Para sa kanya, isa na lang laro ang halik dahil madami na ang natikman niyang labi. Kumbaga yung sa kanya ay nilasahan lang niya! Shit. 

Napabalikwas siya ng bangon nang biglang may kumatok mula sa labas ng pinto. Sino naman kaya iyon? Napasulyap siya sa wall clock. 1:30am na pala?! 'Bat hindi ko namalayan?! Bumaba siya mula sa kama at tinungo ang pinto. Binuksan niya iyon. 

Nang makita niya si Pula ay nagulat siya kaya kaagad niyang isinira iyon. 

"Hoy, Yuri. 'Bat mo sinaraduhan?!" Asar na tanong nito mula sa labas. 

Huminga muna siya ng malalim. She let herself calm. Then, binuksan na muli niya ang pinto. She smiled sweetly. Para 'di halata. "Ano? Natutulog na 'yong tao e." Inirapan niya ito. Humalukipkip siya. "May iuutos po ba kayo, mahal na diyablo?" 

Kumunot-noo ito. "Bakit parang ang dami mo na yatang tinatawag sa'kin? Pati mga pang-demonyo 'yan ,a." 

"Bad ka kasi." She looked at him. "May iuutos ka  ba? Inabala mo ang beauty rest ko!" Shocks! Sa totoo lang kinakabahan ako. Naalala ko kasi 'yong halik niya sa akin kanina. Pakingsheet! 

"Samahan mo ako sa 7/11. Nagugutom ako." 

"Bakit hindi na lang ikaw ang bumili?" 

"Katulong kita. Gusto mo ikaw na lang? Pasalamat ka nga at sasamahan pa kita." 

Iningusan niya ito. "Oo na! Pasalamat ka nga at boss kita. Dahil kung hindi, hindi ko susundin lahat ng utos mo." 

"Oh? E 'bat hindi ka pa mag-resign?" 

Napatingin siya rito. "Hehehehe. Ikaw naman. 'Di mo ba alam ang salitang joke? J-O-K-E. Nag-joke ako." Marahan pa siyang tumawa para pagtakpan ang katangahan sinasabi niya. In-spell pa niya iyong JOKE. Siraulo ako. 

Hindi na lang siya nito pinansin at nagpatiuna na ito sa paglalakad. Napairap siya habang sumusunod dito. Nakatungo siya habang naglalakad. Kaya hindi niya namalayan na nauntog na siya sa likod ng amo niyang diyablo. 

His Crazy Hired MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon