HCHM 2

11.1K 226 13
                                    

(Red at the multimedia.)

***

"DO YOU know how to cook?" Tanong niya sa kaharap niya.

Umiling ito. "Hindi ako marunong magluto. Itlog at hotdog lang ang kaya ko. Okay na naman siguro sa iyo yon diba? High school pa lang naman tayo."

He heaved a sigh. Kapal ng mukha ng babaeng itong mag-apply na katulong tapos hindi marunong magluto?!

He cleared his throat. "Eh bakit ka pa nag-apply dito kung hindi ka marunong magluto?!"

"Hoy! Excuse me lang ha? Sabi ng Mommy mo sa akin, okay lang daw na hindi ako marunong magluto. Sinabi ko naman sa kanya iyon no. Kaya wala na akong problema. May taga-luto naman daw kayo."

Anong klaseng katulong itong babae na ito?! Fuck! Naiinis na talaga siya. Konti na lang. Hahampas na niya sa babaeng ito iyong hawak niyang kontrata!

"Eh ano lang ang gagawin mo? Kung hindi ka marunong magluto? Sa condo ko ako natira." Tanong niya pa rito.

Inirapan siya nito. "Hello? Eh di lilinisin ko ang condo mo. Utusan mo ako kahit ano. Katulong nga diba? Hindi lang talaga ako marunong magluto."

Napataas ang kilay niya. BOSS siya! Siya ang magse-sweldo sa dito. Pero bakit ganito siya sagutin nito?!

"I'm the boss here. Ako ang magse-sweldo saiyo. Ayusin mo ang pag-sagot sa akin."

"Baka nakakalimutan mo na nanay mo ang magse-sweldo sa akin, hindi ikaw?" Sabi nito at tiningnan pa siya. "At isa pa, 'yong sinabi ko kanina sa'yo sa canteen na wala akong matitirhan. Joke lang 'yon. Actually, meron na."

"Good. Where at?"

"Dito sa inyo!" Sabi nito ngumiti pa ito ng matamis.

Nagtiim ang mga bagang niya. "What?!"

"I said, dito ako sa inyo titira. Are you deaf? O gusto mo pang ulitin ko ng sampung beses? Or twenty times pa?"

Nagtiim ang mga bagang niya. How dare she?!

Tumayo na siya at lumabas ng kuwarto niya. Fuck! She's getting on his nerves! Gusto na niya itong itapon palabas ng bahay nila.

Bumalik muli siya sa kuwarto niya nang ma-realize niyang iniwan niya pala doon ang walang kwentang babae na iyon!

Pumunta yata halos sa mukha niya ang lahat ng dugo niya sa katawan nang makita niya itong nakahiga sa kama niya.

"Hey you crazy girl! Get out of my bed!" Sigaw niya rito.

Kaagad naman itong tumayo. "Bakit ka ba nasigaw?!"

"Its my bed. You don't have right to lay down there."

"Ows? Nagkakahalaga ba yan ng isang milyon? Bilyon? Thrillion or mo -----" Hindi nito naituloyang sasabihin dahil itinulak niya ito pahiga muli sa kama. He immediately stormed in front of her and cornered her to the bed. "H-heyy....."

Tinitigan niya ito sa mata. "Alam mo ba ang gusto kong gawin sayo ngayon?"

Tumaas ang kilay nito. "Wala akong paki. Uma---lis...."

Inilapit niya ang mukha niya sa mukha nito. "I'm the boss here. Sino ang masusunod? Me or you?"

Iniwas nito ang tingin nito sa kanya. "U-umalis ka na nga diyan! Oo na ikaw na ang masusunod! Sabi ko nga boss kita!" Hindi mapakaling sabi nito.

His Crazy Hired MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon