HCHM 68

3.5K 82 1
                                    

Red's. 

Bakit ko ba iniwan ang isang yun? Baliw pa man din yun. Baka mapahamak pa. Tssk! Akala ko naman kasi ay susundan ako pero hindi din pala! Nilingon ko yung likod ko pero hindi ko nakita si Liit. Nasaan na kaya yun? Dito naman ang daan pauwi sa bahay niya. 

Asar na napakamot ako sa buhok ko at naglakad ako pabalik sa 7/11. Napalinga ako. Nasaan na kaya ang babaeng yun?! 

"Bitawan mo ako!" 

Kaagad na napatingin ako sa pinagmulan ng tinig na yun. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Yuri na hawak-hawak ng dalawang matandang lalaki. Putangina. Tumakbo ako patungo sa kanila. Kaagad na sinuntok ko yung dalawang lalaki. Hinigit ko palayo si Yuri. 

Akmang susuntukin ako nung isang lalaki pero nakaiwas ako. Tinadyakan ko ang tiyan niya. At yung isa naman, sinuntok ko pa ng isa sa mukha. 

Nang hindi na sila nagising, napatingin ako kay Yuri. Bakas ang takot sa mga mata ni Yuri. Parang nanikip ang dibdib ko sa mga nakikita ko. Hindi ko dapat siya iniwan. Kinabig ko siya at niyakap ko siya ng sobrang higpit. 

"I'm sorry, Yuri...." Bulong ko sa kanya habang hinahagod-hagod ko ang likod niya. Bakit hindi man lang ba pumasok sa isip ko na maaaring mangyari to? Idadag pang, sobrang gabi na. 

"Pula...." Narinig kong sambit niya. Mas lalo kong hinigpitan ang pagyakap ko sa kanya. Yung tipong, hindi na talaga siya makakaalis sa bisig ko. 

"Sorry..." Sabi ko habang nakatitig ako sa mga mata niya. Hinaplos ko ang pisngi niya. Pinahid ko ang luha na naglandas sa pisngi niya. "I'm sorry, my baby." Muli ko siyang niyakap. Mas natakot ako para sa kanya. Natakot ako sa nangyari sa kanya. Hindi ko kayang mawala sa akin si Yuri. 

Siya lang ang minahal ko ng ganito. Yes, she was my maid. Noon yun. She's my girlfriend now. And I need to protect my ex-maid and my girlfriend. 

Gumanti na din siya ng yakap siya sa akin. "I-I'm s-scared...." 

Hinagod-hagod ko ang likod niya. "Sshhh. Don't cry. It's okay. I am here now," 

Nagulat pa ako nang humiwalay siya sa akin at sapukin ako. "Eh bakit ba kasi iniwan mo ako, ha?! Nagpapasuyo lang naman ako, ah!" 

Shit. Bumalik na naman siya sa pagiging crazy niya. "I'm sorry, okay?" Sabi ko at niyakap ko uli siya. "Stop crying, Yuri. I don't want to see you cry," Naglakad na kami palayo sa lugar na yun. Hindi ko na bibigyan ng pansin ng mga gagong yun! Nakahiga pa din sila sa sahig. Naka-akbay pa din ako kay Yuri. 

"N-natakot kasi ako. A-akala ko, katapusan ko na..." She sniffed. 

Kinabig ko siya palapit sa akin. Nananatili pa din akong naka-akbay sa kanya. "No. Pakakasalan mo pa ako." 

His Crazy Hired MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon