HCHM 1

15.5K 242 18
                                    

(Twinkle Yuri at the multimedia)

***

"TWINKY!" Sigaw ng kaibigan ni Yuri na si Shine. Kasalukuyan silang nasa canteen.

Halos mapatalon siya dahil sa lakas ng sigaw ni Shine. Kaklase niya ito. Mas loka-loka pa siya kaysa sa kaibigan niya.

Twinkle Yuri Tabernilla. Astig ng pangalan niya ano? Parang pinaglihi siya sa katangahan. 16 years old lang siya pero nabubuhay na siyang mag-isa. De joke lang. May tita siya na natulong sa kanya pero nasawa na yata. May apartment na binigay iyon sa kanya. Sa Celestine High School siya nag-aaral. Cute no? Private 'yan! Forth year high school.

At kailangan ko ng matinding trabaho dahil hindi na ako nakakapagbayad sa apartment na inuupahan ko! She thought.

Halimaw pa man din ang may-ari ng lintek na apartment na iyon!

"Ano? Lakas ng boses mo!" Sabi niya nang makalapit ito at maupo sa harap niya. "Tulungan mo naman ako Shine! Baka mapalayas na ako sa apartment na tinitirhan ko. Saan ako titira? Iyong tita ko, 'di na yata ako balak tulungan! Ikaw na lang ang pag-asa ko! Matutulungan mo ba ako?"

"Kapag napalayas ka, itext mo na lang ako. Tapos punta ka sa bahay. Doon ka muna hangga't 'di ka nakakakita ng part time at apartment mo." Sabi nito.

Nanlaki ang mata niya bigla. "Really?!"

"Ayaw mo?"

Tumayo siya at niyakap si Shine. "Thank you! Hulog ka talaga ng langit!" Bumalik na muli siya sa kinauupuan.

"Mabuti na lang at hindi nauna ang mukha." Sabi nito.

Napatawa siya sa sinabi nito. Tinutulungan talaga siya ng kaibigan niya na ito. Ito na lang yata ang pamilya niya. Patay na kasi ang nanay at tatay niya dahil sa car accident last year. Iyong tita niya na natulong sa kanya ay hindi na niya alam kung saan napadpad.

"Kailangan ko talaga ng trabaho. Natatakot ako para sa sarili ko. Paano na lang ako, Shine? Baka mamatay na lang ako bukas, mamaya, o baka naman ----" Binatukan siya nito bigla. "Aray ko naman! Bakit mo ----"

"Maghanap ka. Bakit ka naman mamamatay? Ayaw mo ba makilala ang prince charming mo?"

She pouts. "Prince charming? Kung magkakaroon man ako nan, gusto ko mayaman! As in yong mas mayaman pa kay Oppra!"

"Eh di si Oppra na lang ang pakasalan mo. Tutal, bagay naman kayo."

"Ewan ko sayo, Shine." Sabi niya, sabay inirapan ito.

 "Uuwi na ako. Kakausapin ko si Daddy tungkol sa problema mo. Baka pumayag siya na patirahin ka muna doon kapag hindi ka pa nakakahanap ng part time mo." Tumayo na ito at hinalikan siya sa pisngi.

His Crazy Hired MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon