~~~
Red's.
"R-R-REALLY? S-so, p-para saan yung mga sinabi mo s-sa akin n-non?" Tanong niya sa akin. Nang mapatingin ako sa kanya. Oh shit! She's crying!
Hindi ako makasagot. Nakatitig lang ako sa kanya. Totoo ang mga sinabi ko sa kanya pero... Ayoko siyang umasa. Hindi pa ako sigurado kung papayag na makipaghiwalay sa akin si Sheena. Ang tanga ko lang talaga kasi pumayag ako na makipagbalikan sa kanya! Pero ano ang magagawa ko? Si Yuri ang mapapahamak kapag hindi ako pumayag.
Si Sheena, kung ano ang gusto niya gagawin niya. Pero sa tingin ko naman... she won't hurt Yuri. Pero, natatakot kasi ako kapag nalaman ni Sheena na... mahal ko si Yuri. Yes. Siguro nga mahal ko na si Yuri. Bakit ko pa idedeny yun? Eh ang mga kaibigan ko nga, halata na ako, eh. Sarili ko pa kaya? In-denial lang talaga ako nong mga nakaraang araw.
Kanina nang makadating pa lang siya, gusto ko na siyang yakapin at batiin ng Happy birthday ngunit hindi ko magawa dahil anytime na lalapit ako kay Yuri, pinipigilan ako ni Sheena. Hindi ako takot sa kanya. Natatakot lang ako sa maaari niyang gawin.
"R-Red, I am asking you..."
Napakurap ako nang marinig ko ang boses ni Yuri. Nasasaktan din ako kasi nakikita ko siyang umiiyak ngayon nang dahil sa akin. Gago ko kasi! Sinabi ko sa kanya na nagugustuhan ko na siya at liligawan ko siya pero ano tong ginawa ko? Nakipagbalikan kay Sheena nang hindi ko man lang sinasabi sa kanya? Suntukin ko kaya ang sarili ko?
Kanina, nakatakas ako kay Sheena. Nakita ko kasi na pumunta sa isang part ng garden si Yuri. Lalapitan ko sana siya kaso, nakita ko naman na kasama niya si Justine. I saw him kissing Yuri on her cheek. Oo, nagselos ako. Kaya hindi na lang ako tumuloy. Parang sinasabi kasi ng isip ko na, she's only mine. Pero, paano mangyayari yun? Eh yung mga sinabi ko nga sa kanya noon, hindi ko nagagawa, eh. I am just so stupid.
Hindi ko mahal si Sheena. Hindi ko din siya gusto. Kaya ko lang nagawa ito, dahil sa sinabi niya sa akin na ipapahiya niya si Yuri sa buong campus kapag hindi ko iniwasan si Yuri. Shit lang talaga! Hindi siya pumapayag na maghiwalay kami. Kasi, nong time na nagkabalikan kami ni Sheena, saka ko narealize na, hindi ko kayang malayo kay Yuri. Namiss ko kaagad ang kadaldalan niya at ang ngiti niya. Lalo na yung crazy attitude niya. At ang hobby niya... ang asarin ako.
"Red."
Nag-angat ako ng tingin at tumingin ako sa kanya. Nakikita ko sa kanya na nalulungkot talaga siya. Ganon ba siya kaapektado sa nangyayari? Gusto ko siyang yakapin ng ilang beses pa pero... Gusto ko lang siyang titigan kasi na-miss ko talaga siya.
Sa mga susunod na araw siguro, lalo akong mapapalayo sa kanya kaya gusto kong sulitin ito. Gusto ko siyang makasama.
"Where do you want to go?" Pinilit kong ngumiti sa kanya.
"H-ha? Bakit? Aalis pa ba tayo?"
Nang dahil sa reaksiyon niya, napangiti ako. Para kasi siyang bata. Isa pa yun sa na-miss ko sa kanya, eh. "Hmmm, maybe?"
BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomansaWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?