~*~
Red's.
"Shit!" Mura ko nang nasa condo ko na ako. Fuck! Tiningnan ko si Mae na kapapasok lang ng condo ko. "Why the hell did you do that?! Diba sinabi ko na sayo na ako ang magsasabi sa kanya at hindi ikaw!" Sigaw ko kay Mae.
"So? Pakialam ko?" Natatawa pa siya at naupo siya sa tabi ko. "Okay lang yun. At least, alam na niya diba? Na fiance mo ako at fiance kita. Isn't that sweet?"
Shit! Sasabihin ko na naman sa kanya sana, eh.
Remember the day nung kausap niya yung tita niya? Kinabukasan noon, pumunta yung Mommy ni Mae sa bahay. Nagulat ako siyempre, mas nagulat pa ako nang malaman ko na ka-business partner pala ni mama yung mommy ni Mae. Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila ng araw na yun dahil wala naman akong pakialam.
"Red!" Tawag sa akin ni Mama yun. Galing kasi ako sa kusina. Tumingin lang ako sa kanila. Si Mae naman, nakangiti lang habang nakatingin din sa akin. I smell something. Sumenyas sa akin si Mama na lumapit ako.
Lumapit ako at naupo ako sa tabi niya. "What is it, mom?" Tanong ko naman.
"Kilala mo naman si Mae 'di ba?" I nodded. "Siya yung mommy ni Mae. Siya yung business partner ko. Siya si Marilyn." Aniya, sabay turo sa mama ni Mae.
Tumingin ako dun sa mommy ni Mae saka ako ngumiti. "Goodmorning po," bati ko sa mommy ni Mae.
"Hi, hijo. Totoo nga ang sinabi ng mommy mo. Ang guwapo mo nga. Tapos, nagulat din ako nung sinabi sa akin ni Mae na kaklase mo siya."
Napakunot-noo ako. "Thanks."
"So, aayusin na ba natin?" Tanong nung mommy ni Mae kay mama.
Napatingin naman ako kay Mama tapos tumingin din siya sa akin. Napakunot-noo ako habang nakatingin kay mama. "May hindi ba ako alam, 'Ma?"
"Hijo, sorry pero kailangan nating gawin 'to, eh. I forgot to tell you. Medyo nalulugi na ang kompanya natin. We need their help."
"So? Anong kinalaman ko diyan?"
"Well, Redbaby! You have to marry me!" Maya-maya ay sigaw ni Mae.
Gulat na napatingin ako sa kanya. "What did you say?"
"Kailangan mong pumayag dito, hijo. Dahil kung hindi, malulugi ang kompanya niyo. Tulong lang namin ang kailangan niyo. At malaki ang maitutulong namin sa inyo. But in one condition, you have to marry my daughter."
Shit.
*
Hindi ako nakatulog ng ilang araw. Palagi kong inisiip yung nangyaring yun. Kinausap kasi ako ni Mama kaya hindi na din ako nakatanggi. Its for our company.
Pero, si Yuri?
Ayokong masaktan siya. Sasabihin ko naman sana to, eh. Pero, nahanap lang ako ng tiyempo. Di ko masabi sa kanya dahil, I don't want to hurt her. I don't want to see her cry. Mahal na mahal ko si Yuri. Kung may paraan lang para hindi mangyari 'to, ginawa ko na. Pero, wala, eh.
"Red, ano ba? Kanina pa ako nagsasalita dito pero 'di mo ako pinapansin."
Napatingin ako kay Mae. "Just leave me alone here, will you? Hindi ka naman nakakatulong. Hindi porke't fiance kita, may karapatan ka ng pumunta dito at sundan ako."
BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomanceWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?