*****
SATURDAY. Ngayon ang lakad nila ni Justine. Pero, paano niya malalaman na nasa Coffee shop na ang singkit na iyon? Ugh! Tumingin siya sa relos niya. 2:30pm na ng hapon. Hindi niya alam kung paano siya makaka-alis ng bahay.
Kasalukuyan siyang nakaupo sa kama niya. Nakabihis na siya, actually. Hahahaha! Prepared ba ako masiyado? Minsan lang kasi ako lumayas!
Bigla siyang napatayo nang makinig ang katok mula sa labas ng pinto niya. Naglakad siya patungo sa pinto at binuksan iyon. Si Pula ang nabungaran niya. Ang lalim ng kunot sa noo nito. Problema na naman nito?
"Yow, Pula! What 'cha 'doin?"
"May naghihintay sa'yo sa labas. Iyong singkit na lalaki. Anong ginagawa 'non dito?" Iritadong tanong nito. "Sinong may sabi sa'yo na papuntahin ang lalaking iyon dito sa bahay ko?"
"Ha? Si Justine? Paano niya nalaman ang bahay mo?" Tatakbo na sana siya para puntahan si Justine ngunit naagapan siya nitong pigilan sa braso niya. Napaharap siya muli rito. "Sinabi ko sa'yo kahapon 'di ba? May lakad kami. Pagbigyan mo na naman ako. Pati makulit kasi 'yon, e."
"Pumayag ba ako?"
"H-hehe. Hindi ko alam. Pero, please na kasi, o? Pumayag ka na." Pakiusap niya rito. Buwisit. Kailangan bait-baitan ako para payagan ako. Hihihihihi.
Binitawan nito ang braso niya. "Make sure that you're going home early." Sabi nito at tinalikuran na siya.
Napairap siya at tumakbo na paibaba. Nasa sofa si Justine at nakaupo. Sa pagmamadali niya, ay bigla siyang nalaglag mula sa ikalawang-baitang ng hagdan.
"Aray ko!" Sabi niya habang nakahawak sa balakang niya.
"Sobrang excited mo na ba at nadadapa ka?"
Napa-angat siya ng tingin. Nakangiting mukha ni Justine ang nakita niya. Iningusan niya ito. "Duh. Sinong may sabi? Tulungan mo na lang ako makatayo dito! 'Di ako sasama sa'yo diyan e!" Natatawang tinulungan siya nitong makatayo. Inayos niya iyong damit niya at buhok niya. Tumatawa pa din si Justine. "Anong nakakatawa?!" Singhal niya rito.
Natatawang umiling na lang ito. "Wala. Gusto kong isipin na excited ka sa lakad natin kaya ka nadapa. Pero, alam ko naman na clumsy ka, kaya 'di ko na iisipin."
"Hindi ako clumsy! Tanga lang iyong hagdan!"
"Bakit 'yong hagdan ang naging tanga?"
"Hindi kasi siya napasok sa school!" Pasigaw na sabi niya rito at nauna na siyang lumabas ng bahay. Ano ba 'yan! Bakit ba kasi nadapa ako?! Hmp! Pahiya tuloy!
"Wait, Twinky!"
Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ito. "Ano?!" Asik niya.
"Sorry na. Binibiro ka lang naman, e. Bakit ka ba kasi nadapa?"
Inirapan niya ito. "Ewan ko. Itanong mo 'don sa hagdan. Tatanong ko mamaya pagkauwi. 'Tapos, sabihin ko sa'yo sa monday kung ano ang isinagot."
He chuckle. "Okay fine." Pagsuko nito. "Let's go." Naglakad ito patungo sa kotse nito na nakaparada sa tapat ng bahay nina Pula.
"Wow. Kotse mo pala 'yan? Magkano ba 'yan? Bibili pala ako minsan."
"Yes, this is mine. Gusto mo iyo na lang?"

BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomantizmWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?