HCHM 25

6.4K 101 9
                                        

 ***

"TEKA! Aray ko naman! Kanina mo----" Bigla na lang binitawan si Twinkle ni Pula. Sa Garden na naman siya nito dinala. 

Oo, tama kayo! Kay Pula siya sumama. Iyon ang sinasabi ng Puso niya. Nag-sorry na lang siya kay Justine ngunit naintindihan naman nito iyon. Ang hindi lang niya makalimutan ay ang sinabi ni Pula kanina. 

"If you're going to choose him. I will fire you." 

Noong una, iniisip niya ano naman kung tatanggalin siya nito? Pero nang mapatingin kasi siya sa mata ni Pula, parang gusto nito na piliin niya ito. Kaya, wala na siyang nagawa. Hindi niya alam kung bakit pero iyon ang sinasabi ng puso niya. 

Hindi pa niya talaga malaman kung ano ang nararamdaman pero hindi puwede na ma-in love siya sa monster boss niyang ito. He hates me. And I hate his guts. Duh. 

"Its okay. Boss mo siya kaya wala akong magagawa." Iyon naman ang sabi ni Justine. Bakit ba kasi ang bait ng isang 'yon? 

Napatingin siya kay Pula na kasalukuyang nakaupo na sa malaking bato doon. Napairap siya. Hindi niya talaga maintindihan ang ugali ng amo niyang ito, e. Bipolar na ewan! Ugh. 

Napaiwas siya nang bumaling ito sa kanya. "Tatayo ka na lang ba diyan?" 

Asar na tiningnan niya ito. "Hoy, monster boss! Ano ba kasi ang gagawin natin dito ha? Bakit hindi na lang tayo 'don sa party? Last day na po! Gusto ko maging memorable ang last day ko dito sa Boracay 'no! Tapos dito mo lang ako dadalhin? Naging choosy ka naman sana!" 

"Bakit? Girlfriend ba kita para dalhin sa magandang lugar?" 

Napaurong bigla ang dila niya dahil sa sinabi nito. Maganda naman ang garden na ito. Pero, sakit ng sinabi ng kumag na ito, a. Teka? Bakit ako nasasaktan? 

Inirapan na lang niya ito. Naglakad siya at naupo sa malaking bato na katabi ng kinauupuan ni Pula. Napakayabang talaga ng lalaking ito! Akala mo kung sino. Hmp! 

"So, nililigawan ka pala talaga ng Singkit na 'yon?

Bigla niyang naalala iyong nangyari kanina. 

"Ahmmm, e-ewan ko 'don. Nagbibiro lang naman siguro si ----" 

"Sorry, Twinkle. What I said was true." 

She shrugged. "I don't know. Ilang beses na niyang sinabi sa'kin iyon pero hindi naman kasi ako naniniwala. Pero, may something na nagsasabi sa akin na maniwala ako. Ahh! Ewan ko sa Singkit na 'yon. Straight forward talaga niya masiyado!" 

"What if, what he said was true? What if he was serious? What would you do?" 

His Crazy Hired MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon