HCHM 82

3.1K 56 5
                                        

~*~

"T-tita! Is that ---" Hindi ko pa natatapos ang pagsasalita ko, niyakap na niya kaagad ako. Rinig ko ang pag-iyak niya. Hindi ko na muna pinansin ang sama ng loob ko sa kanya. Miss na miss ko ang tita ko. Sobrang bait niya sa akin noon! Siya ang nag-alaga sa akin nang mawala ang parents ko. Kahit papaano, malaki pa din ang utang na loob ko sa kanya. But, why did she leave me? 

"I missed you, Twinkle," she said while hugging me tightly. "Do you know how much I missed you Twinkle? I've been looking for you," humiwalay na siya sa akin at naupo siya sa tabi ko. "I know you want my explanations," 

Tumulo ang luha ko. "W-why did you leave me just like that?" 

"Sorry, hija. I took care of something." She smiled at me. "And now, I'm back. Bumalik ako para sayo, pamangkin ko," niyakap niya muli ako. "I'm really sorry." 

Humagulgol na ako. Hindi ko din naman matitiis ang tita ko. Siguro importante talaga ang dahilan niya kung bakit siya umalis. Pero sa ngayon, masaya ako dahil bumalik na siya. May kasama na uli ako. Kalilimutan ko na ang galit ko sa kanya. Ang mahalaga, she came back for me. 

Humiwalay na siya sa akin. Inayos niya ang buhok ko at pinahid niya ang luha ko. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin. 

"You're so pretty, hija." Sabi niya sa akin. "Kumusta ka na?" 

Tipid na ngumiti ako sa kanya. "O-okay lang. Broken hearted," sagot ko naman. Honest ako sa tita ko kasi honest din ako sa mama ko. Kinukuwento ko sa kanila ang mga nangyayari sa akin. 

"Broken hearted? So, you mean may boyfriend ka na?" 

Tumango ako. "Opo, tita." 

"Who is he? I want to meet ---" 

"We already broke up. Last month," I said as I shrugged my shoulders. 

"Why?" 

"He was engaged and he didn't tell me. Nalaman ko pa ay dun sa babaeng haliparot na yun!" Buwisit. Naalala ko na naman! 

"So what happened?" 

"I'm hurt," namuo bigla ang luha sa mga mata ko. "I'm f*cking hurt, tita." Mariing sabi ko. Kaagad na pinalis ko yung luha ko nang naramdaman kong tumulo na yun. 

Hinaplos ni tita ang pisngi ko. "Tell me you're okay," 

I smiled a little. "Trying myself to." 

~*~ 

"Oh ano? Kamusta ka na? Bakit ka biglang tumakbo kahapon?" Kaagad na tanong sa akin ni Zach. Nandito kami sa isang coffee shop, yung malapit sa Celestine High School, yung school namin noong high school pa kami, yung madalas na puntahan namin ni Shine. Pinapunta nila ako dito. Zach, Blake, Harold, Justine, Jayvee at si Bella. 

Umiling ako. "Tita ko yung nakausap niyo kahapon," sabi ko nang makaupo ako. 

"Really? What happened?" Bella asked. 

Umiling ako. "Nothing happened. Pero, pumunta siya sa bahay."

"Okay na kayong dalawa?" Justine

Tumango ako. "Oo, hindi ko din naman matitiis yun si tita. Mahal ko yun eh. Hindi pa niya naiipaliwanag sa akin kung bakit siya umalis pero, alam ko na may dahilan siguro yun," ngumiti ako sa kanila. "Change topic, ano po?" Mukha kasi silang tanga na nakatingin sa akin habang nakikinig. 

His Crazy Hired MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon