~~~
"HOY! Bakit ka tulala diyan?!" Napakurap ako nang bigla na lamang sumulpot ang kaibigan kong si Shine sa harapan ko. Kasalukuyan akong nasa room. Katatapos lang ng klase namin ngunit hindi pa din ako nalabas sa room. Wala kasi ako sa mood umuwi. At wala din ako sa mood kumain.
Nangalumbaba ako habang nakatingin sa kaibigan ko. "Did you saw them?"
"Who?"
"Red and Bella ofcourse."
"Ahh, yes! I saw them at the cafeteria. May isa pa silang kasama na babae. I heard na transferee daw dito yun, e. Sheena is the name. Why?"
Napanguso ako sabay umiling. "Ahmm, wala lang."
"Uyy! Balita ko, nagkakamabutihan na daw kayo ng boss mo? Nagulat ako ha! Samantalang dati lagi kayong mag-kaaway. Hmmm, kayo na ba?"
"Siraulo ka! Anong kami na? Hindi 'no! Ewan ko dun! Pati bakit ba? Kanino mo pati nalaman 'yan?"
"Rumors." Bale-walang sabi niya. Nagulat pa ako nang bigla niya akong yakapin. "Gosh, Twinkybaby! I missed you!"
Napangiti ako at gumanti ako ng yakap sa kanya. "I missed you too, best friend." Pagkatapos niyon, naghiwalay na din kaagad kami ngunit nananatili pa din kami sa loob ng room. Hindi kasi pumasok ang teacher namin sa second subject. May two subjects pa kami before ang labasan.
"Bakit narito ka pa pala? Kanina pa kita hinahanap. Nasa cafeteria na ako, pero ikaw wala pa. What are you doing here?"
Umiling ako. "Ahh, wala naman. Tinatamad kasi akong lumabas, eh."
"Hinahanap ka din ni Justine. Tara na kasi sa cafeteria! If I know, gutom ka na din!" Tumayo siya at biglang hinawakan ang palapulsuhan ko at hinila ako patayo. "Let's go! Don't worry. Ako ang bahala sa'yo." Nang hilahin niya ako, wala na akong nagawa kundi magpadala na lang sa kanya.
Nang makarating kami sa canteen, walang bago. Sa amin pa rin nakatingin ang ilang ka-schoolmates namin. Nang mapasulyap ako sa di-kalayuan, nakita ko ang magbabarkada. Kasama si Bella at si Sheena. Oh. Nakatingin din sila sa amin dahil biglang natahimik ang mga tao sa canteen.
So, anong meron dito? Ako na naman ba ang pagti-tripan? Ang dakilang maid ng lalaking sinasamba nila? Oh great.
"Yung maid ni Red!" "Oonga. Buwisit!" "Malandi kasi ayan tuloy hindi na siya kasama sa barkada nina Red!" "Sus! Akala mo maganda!" "Oo nga! Chaka naman!" Ilan yun sa bulungan sa loob ng canteen.
Nagulat na lang ako nang biglang may humawak sa kamay ko at hilahin ako palabas ng cafeteria. Sino naman to? Laking gulat ko nang makita ko si Justine. Kasama rin niya si Shine. Ano ba yan! Gaano ba ako katagal naging tulala sa loob ng cafeteria?
"Anong meron?" Tanong ni Shine nang nasa field na kami. Naupo kami sa damuhan. As always, ganon na naman ang nararamdaman ko. Parang minamaliit nila ako.
"I don't know. Kanina kasi nang makapasok ako sa canteen, si Sheena lang at si Bella ang nakita kong magkasama. Wala pa yung apat." Sabi naman ni Justine.
Napabuntong-hininga na lang ako. Isa lang naman ang dahilan kung bakit ako malungkot. Yung mga narinig ko. Yung mga nakita ko..... kanina.
"So, totoo na ba yon, Red? Yung maid mo na talaga ang gusto mo? Ang nililigawan mo?" Rinig kong sinasabi ni Sheena kay Red. Nasa may hagdan kasi sila sa may hallway. Ako ay saktong naglalakad paibaba kasi nga male-late na ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/6240919-288-k981114.jpg)
BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomanceWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?