HCHM 63

4K 69 1
                                    

~~ 

Twinkle's. 

"TWO WEEKS lang ang sembreak? Bakit ang iksi naman?" Reklamo ko kay Shine habang nakain kami sa canteen. 

Tumango siya. "Oo. Okay na yun 'no. Kesa naman last year, one week lang," sabi naman niya sabay subo ng kinakain niyang tinapay. 

Napatango-tango na lang ako. "Sabagay," 

"Nasaan nga pala ang boyfriend mo?" Tanong niya sa akin nang maubos na yung kinakain niya. Bilis naman yatang kumain nito? Haha. 

"Hindi ko alam. Siguro nasa klase pa niya." 

"E-eh? Nakita ko na kaya sina Blake kanina na lumabas ng room nila. Imposible naman siguro na nasa klase pa yung boyfriend mong yun." 

Napakunot-noo ako. Nasaan nga naman kaya ang lalaking yun? Kinuha ko yung cellphone ko sa bag ko at idinial ko ang number ni Red. Ngunit, hindi man lang siya nasagot. Nasaan ang lalaking yun? Kasabay ko lang yun kanina sa pagpasok! 

"B-baka, may ginagawa lang." Yun na lang ang isinagot ko kay Shine. Tumango lang siya sa akin. Pero ako, iniisip ko pa din kung nasaang lupalop ang siraulong yun.

Hanggang sa makauwi ako, hindi ko pa din ma-contact si Pula. Nasaan nga kaya ang lalaking yun? Ugh. 

"Tita! Alam niyo po ba kung nasaan si Red? Pagabi na po kasi, eh. Hindi ko po siya nakita sa school kanina," sabi ko kay Tita nang maabutan ko siya sa kusina. 

Nilingon niya ako. "Hija, hindi ko alam, eh." 

Tumango na lang ako at lumabas na ako ng kusina. Idi-nial ko ang number ni Blake at tinawagan ko siya. Kaagad naman siyang sumagot. "Hello, Blake? Where are you?" 

["Ah, bakit?"] 

"Alam mo ba kung nasaan ang kaibigan mo?" 

["Sabi ko na, eh. Si Red ang hahanapin mo. Kasama siya ni Harold. Hindi ko nga lang alam kung nasaan sila. Bakit? Di pa nagpaalam sayo?"] 

"Hindi, eh. Pero sige, thanks." And I ended the call. Nasaan kaya ang lalaking yun? Tssk. Hindi man lang ako sinabihan na may pupuntahan pala siya. Pinagaalala pa ako. Lintek talaga ang mokong na yun. 

Pumanhik na lang ako kuwarto ko at nagpalit na ako ng damit. Pagkatapos nun, bumaba uli ako. Nagtungo ako sa kusina upang tulungan si Tita. 

"Hi, tita. Ano pong ginagawa niyo?" Tanong ko habang nasa likod niya ako. 

His Crazy Hired MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon