~~~
Twinkle's.
"SINGKIT." Yun lang ang nasabi ko nang makita ko si Justine. Tipid akong ngumiti sa kanya. Siguro, halata na naman niya. Kilala niya ako. Alam niya ang nararamdaman ko kay Red. Pero, bigla ko kasing naalala yung sinabi niya na kapag nalaman niyang nasasaktan ako dahil kay Red, babawiin niya ako. Totoo kaya yun?
Namalayan ko na lang na nakaupo na siya sa isang swing. "What are you doing here? Tapos mag-isa ka pa?"
"Ahh, wala naman. Naglakad kasi ako pauwi kaya ----"
"Stop lying."
Napatingin ako sa kanya. "H-ha?"
"Hinahanap kita kanina. Sabi sa akin ni Shine, nasa condo ka daw ng boss mo. Tapos, nakasalubong ko sina Blake kanina, sila ang nagsabi sa akin na umiiyak ka daw. Tinanong ko uli kung nasaan ka, sabi nila, kalalabas-labas mo lang daw ng school. Kaya hinabol kita." He look at me seriously. "What happened?"
Ano naman ang masama kung sasabihin ko sa kanya? Best friend ko naman siya diba? Hindi ko lang nasabi kanina kay Shine kasi naunahan ako ng nararamdaman ko. Nasaktan ako.
"U-umasa ako..." Gusto kong umiyak. Gusto kong sabihin lahat. Gusto kong awayin si Red. Gusto ko siyang sigawan! Gusto kong sabihin sa kanya kung bakit niya ako pinaasa? Kung bakit niya sinabi lahat ng salitang yun? Ano yun? Dahil maid ako? Sasabihin niya ang mga bagay na yun? Tapos, malalaman ko na lang na nagkabalikan na sila ng Sheena na yun!
"So, its about Sheena and Red."
"K-kilala mo si S-sheena 'di ba?"
Tumango siya. "Yeah. Sa Max Bar ko din siya nakilala. Alam ko na si Red ang gusto niya, pero nang malaman niyang si Bella na ang laging kasama ni Red, ako naman ang kinukulit at lagi niyang nilalapitan sa Max Bar. Dinala ko siya sa bahay isang beses. Tapos wala na. I just heard na nagpunta na siya sa America."
"E-eh? Bakit parang hindi naman kayo close ni Red?"
Tumawa siya ng marahan. "Sus. Hindi naman talaga kami close ni Red. Nagkikita lang kami sa Max Bar. Alam din niyang nakakasama ko si Sheena noon." Tumingin siya sa akin. "And now, nagkabalikan na pala sila?"
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tumungo ako. "Y-yea."
"So, ano ang nararamdaman mo ngayon?"
Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. "I-It hurts..." Halos pabulong na sabi ko. "S-sana.... hindi na lang niya sinabi na gusto niya ako, na liligawan niya ako, na gagawin niya ang best niya...." Hanggang sa humagulgol na ako. "M-masakit...."
BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomansaWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?