~~
NANDITO pa rin ako sa loob ng kuwarto ko. Nilibot ko muna ang buong kuwarto at huminga ako ng malalim. Goodbye pink room. Goodbye bastard boss. Goobye tita ganda. Napangiti na lang ako kahit nasasaktan pa din ako.
Aalis na ako sa bahay na ito. Naibigay na din sa akin ni tita yung pera ko. Dinagdagan pa nga niya, eh. Tumanggi ako ngunit hindi siya pumayag kaya wala na din ako nagawa. Hindi daw siya natulog at hinintay niya talaga ang pag-gising ko. How sweet of her, right? I'm gonna miss her with all my heart.
Inayos ko na yung straps ng bag ko at yung malaking bag na hawak ko. Inilagay ko na din sa kama yung bears na bigay sa akin ni Pula. Kumaway ako sa mga yun na para bang kakaway din sila sa akin. Pagkatapos nun, lumabas na ako ng kuwarto ko.
Nang nasa labas na ako ng bahay. Tiningnan ko muna ang buong labas ng kabahayan. Mamimiss kita bahay! Tumalikod na ako at naglakad na. Goodbye Red. Maging masaya ka sana. Ako? Pipilitin ko ang sarili ko.
Nang nasa bahay na ako nina Shine, naabutan ko siya sa labas ng gate ng bahay nila. Worried ang mukha niya nang makita ako. Siya din ang nagdala ng malaking bag na dala ko. Ang putla daw kasi ng mukha ko, eh. Pumasok kami sa loob ng bahay.
May nakahanda ng almusal doon. Malinawag na din naman kasi. So, today is Sunday. Magsisimula na ako ng bagong buhay. Bagong ako. Naupo na kami ni Shine sa dining area. Tahimik pa din ako. Hindi kasi ako sanay, eh. Sanay ako na pagkagising ko. Si Pula kaagad ang makikita ko.
But as I said, bagong buhay na uli ito. Hahaha. Ang oa ko. Nakatingin lang ako sa mga pagkain. Habang si Shine naman, ramdam ko na nakatingin sa akin. Anong magagawa ko? Eh hindi ako makapagsalita, eh.
"What happened, Twinky? Tell me. Nandito lang naman ako para sayo. Hindi mo kailangan magtago ng nararamdaman sa akin. Best friend mo ako,"
Napa-angat ako ng tingin. Pero kaagad na bumalik ang tingin ko sa mga pagkain. Naglabo ang paningin ko kasi namuo na naman ang luha sa mata ko. "M-masakit...." Halos pabulong na sabi ko, kasabay niyon ang pagbuhos ng luha sa mata ko. "U-umasa na naman ako, Shine... Sa pangalawang pagkakataon, n-naging tanga na naman ako... N-naniwala na naman ako sa mga... sinabi niya.." Tumayo si Shine at naupo sa tabi ko. Niyakap niya ako at hinagod-hagod ang likod ko.
"Twinky, you don't have to be like this. You don't have to waste your tears just because of him. You just need to forget him and move on."
"P-pero... paano kung h-hindi ko kaya? P-paano kung ---"
"Twinkle, there's nothing wrong if you will try it. Subukan mong kalimutan siya. Alam kong kaya mo yun, eh. Si Twinkle ka, ang babaeng palaban. Ewan ko kung bat biglang nawala." Hinawakan ni Shine ang magkabilang pisngi ko at tinitigan ako. "Be strong, okay? Don't cry now." Siya ang nag-alis ng luha sa mga pisngi ko.
Ngumiti ako kahit pakiramdam ko, hindi ko kayang ngumiti. "T-thanks, Shine. Nagpapasalamat ako at hindi mo ako iniiwan."

BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomanceWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?