HCHM 59

4.4K 76 2
                                    

~~

Twinkle's. 

ALAM niyo yung masaya? Ako yun, eh. Hahaha! Ang saya ko these past few days nang dahil sa Pula na yun. Pinakikilig ako, pinasasaya tapos lagi pa akong hinihintay tuwing labasan. See? Sino ang hindi kikiligin dun? 

Gusto ko na nga siyang sagutin eh pero nahanap pa ako ng tiyempo. Aba! Excited na kaya ako maging boyfriend siya baka mas lalo pa akong kiligin. 

Isang linggo na ang nakalipas mula noong nagka-sagutan kami ni Sheena sa canteen. Nakikita ko siya pero kasama niya palagi si Bella. Nakakapagtaka nga kasi hindi niya ako pinapansin tuwing kasama niya si Bella pero kapag mag-isa siya, lalapit siya sa akin at aawayin ako. 

Last friday sa school, nilapitan ako ni Sheena at inaway ako. Hindi ko siya pinapansin at patuloy lang ako sa paglalakad nun. Asar na asar na talaga siya sa akin. Paano kaya kapag nalaman niyang nanliligaw sa akin si Pula? Magagalit lalo yun. Eh paano na lang kung boyfriend ko na? Baka ipa-salvage na ako nun, eh. 

Martes nga pala ngayon. Hindi kasi ako pumasok kahapon, eh. Medyo sumama ang pakiramdam ko kaya si Pula na lang ang pumasok. Kasalukuyan akong narito sa canteen. Hinihintay ko si Shine. Nasa library kasi siya. 

"Huy, Twinky!" 

Napaangat ako ng tingin. Napangiti ako nang makita ko si Justine. Mabilis na tumayo ako at niyakap ko siya. Parang ngayon ko lang uli siya nakita, eh. Na-miss ko siya! "Singkit! I missed you! Bakit hindi ka nagpapakita sa akin?" Medyo patampo na tanong ko sa kanya nang maupo kami. 

"Busy these past few days, eh. Alam mo na. Aral-aral din ako." 

Napatango ako. "Sabagay." 

"Anong ginagawa mo rito?" Pagkaraa'y tanong niya. 

"Hinihintay ko si Shine, eh. Ang tagal nga ng ----" 

"Si Shine? Umalis na siya kanina, eh." 

Napakunot noo ako. Kaagad na kinuha ko yung cellphone ko sa bag ko at tiningnan ko kung may text si Shine. Ay, meron nga. Nagpaalam siya na uuwi na daw dahil tinext na naman siya ng papa niya. Tumingin muli ako kay Singkit. "Oo nga. Nagtext sa akin." 

"Where's Red?" 

I shrugged. "Ewan ko dun." 

"Eh? Bakit hindi mo alam? Boyfriend mo yun, ah?" 

Napaingus ako. "Kanina ko lang umaga yun nakita. Nung magkasabay kami. Pero nitong maghapon? Hindi pa, eh." Kanina nga, iniisip ko na magkasama sila ni Sheena. Pero, alam kong hindi. Kasi nag-promised siya sa akin. 

He smiled. "Nandiyan lang yun. May inaasikaso." 

His Crazy Hired MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon