~~~
SATURDAY! Ngayon ang swimming nila sa Lily's Beach. Akala ni Pula nakalimutan na niya iyon? Hell no! Excited na nga siya! Actually, kahapon niya lang muli naalala iyon nang makakita siya ng dagat sa internet. Pinagamit kasi siya ni Tita Lea ng loptop nito.
Bumangon si Twinkle at nagtungo sa banyo. Nag-tootbrush siya at naghilamos. Pagkatapos niyon, lumabas na siya ng banyo at lumabas na din siya ng kuwarto niya.
Nang makababa siya, naabutan niya si Pula na nakain na sa dining table. Nakangiting lumapit siya at naupo sa harap nito. Napatigil ito sa pagkain at tiningnan siya.
"Goodmorning, Pula! Sabado ngayon 'di ba? Akala ko ba pupunta tayo sa Lily's beach?" Nakangiting sabi niya rito.
"Ngayon ba 'yon?"
Ngumuso siya. "Oo! Sabi mo pa nga sa'kin isasama mo sina Blake, e. Niyaya ko pa nga si Shine kahapon pero 'di siya puwede dahil hindi pumayag ang daddy niya! Don't tell me na 'di na tuloy 'yon?"
"Tuloy. Fix yourself. I'm just going to call them."
Nakangiting tumango siya. "Naka-prepared na ako!" She giggles.
"Prepared ka talaga?"
"Oo naman 'no! Sino isasama mo?" Tanong niya.
"Iyong tatlo 'tapos si Bella."
Nawala ang ngiti sa labi niya. "A-ahh, okay." Tumango na lang siya at iniwan ito sa dining area. Nagpunta na lang siya sa kuwarto niya. Kinuha niya iyong cellphone niya sa drawer niya at dinial ang number ni Singkit. Sumagot naman kaagad ito.
"Hello, Twinky?"
"Where are you, Singkit?"
"Nandito lang sa bahay. Bakit? May problema ka ba?"
"Ahh, wala naman. Sama ka naman sa'min sa Lily's beach. Hanggang bukas tayo 'don. Okay lang ba sa'yo?"
"Ngayon na ba 'yon?"
"Oo. Bakit? Don't tell me na 'di ----"
"Of course not. Sasama ako. Pero, susunod na lang ako, okay? Hinihintay ko pa si Mama, e. Pati may sasabihin ako sa'yo mamaya kapag nandon na ako."
Napangiti siya. "Yey! Just text me later, okay?"
BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomansaWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?