HCHM 13

6.8K 111 5
                                    

****

"ANO na naman ang gagawin natin dito? Don't tell me na bibili ka na naman 'nong maliit na libro na ewan na 'yon?" Sabi ni Twinkle kay Pula. You're right! Nasa mall na naman sila. Hindi niya alam kung ano ang gagawin nila doon ng amo niya. Napapagod na talaga siya. At gutom na din siya! 

Hindi siya pinansin nito. 

Pumasok ito sa isang bilihan ng damit na panlalaki. Boy's Option ang pangalan noong Boutique. Asar na sumunod na lang din siya. Ano ba talaga ang gagawin nila rito? Bat sinama pa niya ako? Nakakahiya! Naka-uniform pa kami. Baka isipin ng tao, nag cutting kami. Hmp! 

Sa mga boy's clothes ito pumunta. Ano naman kaya ang gagawin ng isang ito dito? Puwede namang siya na lang ang mag-isa ang bumili ng damit niya. Kailangan pa talaga na kasama siya? 

Maid ka nga kasi. Why so kulet? Singit ng utak niya. 

Nagkibit-balikat na lang siya. Naglakad siya palapit sa amo niya na kasalukuyang naniningin ng mga damit. 

"Hoy, Pula. 'Yung totoo? Bakit mo ako sinama dito? Para bantayan ka? Pektusan ang mga ho-holdap sa'yo?" She clapped. "Nice, ha?" Inirapan niya ito. 

Sumulyap ito sa kanya. "Gusto mong sipain kita pauwi? Bakit hindi mo subukan manahimik na lang diyan?" 

Iningusan na lang niya ito. Epal! Now, bawat galaw at bawat lakad ng amo niya ay sunod lang siya ng sunod. Eh ano ba ang dapat niyang gawin? Hmp! 

Nang matapos na ito bayaran ang limang damit na binili ay lumabas na sila ng Boy's Option. Naglakad na sila ngunit hindi pa din niya pinapansin ang amo niya. Tatawagin na sana niya ito nang mapadako ang tingin niya sa isang boutique. Girl's Option naman ang pangalan niyon. Napatingin siya sa mga dresses at skirts na naroon. Dahan-dahan siyang naglakad at pumasok sa loob ng boutique. 

Hinaplos niya ang bawat dress na naroon. Hindi na ako nakakapagsuot ng magagandang dress like this. Hayy! 

Lalabas na sana siya ngunit sandali siyang napatigil. Napatitig siya sa isang dress na suot noong manequin. Ang ganda! Lumapit siya roon at hinaplos iyon. 

It is cute chiffon designer dress. Girly and vintage-inspired. The dots pink and black designer dress is fully lined and maid entirely of chiffon. The fabric has a soft pale pink background with black polka dot print throughout. It features adjustable spaghetti straps and a crossover neckline with ruffles at the bust. 

Shocks! Gusto niya talaga ito! 

"Hoy, ano 'yan?" 

Kaagad na binitiwan niya ang ang dress at napalingon sa likod. ---- Si Red.

"H-ha? W-wala. Ang ganda lang," sabi niya, sabay iwas ng tingin dito. 

Mukhang sinulyapan nito iyong dress. "Maganda," 

His Crazy Hired MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon