HCHM 62

4.2K 65 1
                                        

~~ 

Twinkle's.  

NANDITO ako sa canteen at hinihintay ko si Pula. Nagtext kasi siya sa akin na hintayin ko daw siya dito, eh. Labas na kasi ako. Naka-ilang juice na ba ako? Hanggang ngayon, wala pa din siya. Lintek na mokong na yun. 

"Mukhang masaya ka these days, ah?" 

Napatayo ako nang makita ko si Sheena na nakatayo sa harap ko. Oh shit. Yari na naman ako nito! Dami pa man ding tao sa canteen. Ugh. "Ahh, bakit?" Sus, lalaban na ako sa kanya, remember? 

"So, boyfriend mo na pala si Red?" 

"Yes, why? Aagawin mo ulit?" Bumabalik na naman ang pagkabaliw ko. 

"How dare you talk to me like that?! Baka nakakalimutan mo na ikaw ang umagaw kay Red at hindi ako?!" Asar na sabi niya sa akin.

"Nakipag-break na siya sayo 'diba? So, ano pa ang pinoproblema mo?" 

"How dare you!" 

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko nang makita ko ang kamay niya na tumaas para sampalin ako. Eh? Bakit parang wala naman akong naramdaman? Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at napaatras ako nang makita ko si Bella. 

"Stop it, Sheena." Matigas na sabi ni Bella. 

"Wala kang kinalaman dito Bella! Get out of---" Itinulak niya si Bella pero hindi pa din binibitawan ni Bella ang kamay ni Sheena. Kinakabahan na ako kasi nakakatakot na talaga yung itsura ni Sheena sa mga oras na yun. Nagsimula na din ang pagdami at pagbubulungan ng mga tao. 

"Sheena, stop it!" Napalakas na ang boses ni Bella kaya natahimik naman si Sheena at napaurong ng kaunti. "Sheena! You better stop this, okay?!" Sigaw ni Bella kay Sheena habang hawak-hawak niya ito sa braso. 

Parang naawa naman ako kay Sheena nang makita kong namuo ang luha sa mata niya. "I-I love him, Bella!" Sigaw ni Sheena. 

Tumango sa akin si Bella. Maya-maya, hinigit niya si Sheena palabas ng canteen. Napatingin ako sa paligid. Napatungo na lang ako at lumabas na ako ng canteen. 

Nagulat pa ako nang bigla akong may nakabunggo. Hindi ko na lang pinansin yun. Maglalakad na sana ako ngunit may humawak sa braso ko. Nang mag-angat ako nang tingin. Si Pula pala. Nakakunot ang noo niya. 

"What happened to you?" 

Napasinghot na lang ako at niyakap ko siya. "W-wala. Kanina pa kasi kita hinihintay, eh. Tagal mo. Akala ko hindi ka na dadating," 

Gumanti siya ng yakap. "I'm here. Are you sure... you're okay?" 

His Crazy Hired MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon