HCHM 37

5.3K 101 11
                                    

~~~

"W-WHAT the hell are you talking about? Nababaliw ka na ba?" Iniwas ko ang tingin ko kay Pula. Pakiramdam ko kasi, seryoso siya sa mga sinasabi niya. Pero hello? Of course, hindi siya seryoso 'no. Nasisiraan lang siya ng ulo talaga! O baka naman, pinakikilig lang niya ako. Hmp! 

Mas lalo akong naasar ng humagalpak siya ng tawa. See? He's making fun of me! Feeling ba niya natutuwa ako sa mga sinasabi niya? Heck no! Nasasaktan ako. 

"Yuri, tingnan mo ang mukha mo sa salamin! Mukha kang kamatis!" Sabi niya, sabay tawa uli. 

Nakatingin lang ako sa kanya habang natawa siya. Ako? Gusto ko siyang sapukin ng isa dahil sa sinabi niya. Nang dahil asar ko, tumayo na ako at hinarap ko siya.

"Hoy, Pula. Umayos ka! Nakakabuwisit ka. Lakas talaga ng tama mo 'no?! Aalis na ako dito! Kung wala kang sasabihin na maayos, aalis na lang talaga ako. Wala kang kuwenta!" Sabi ko at tinalikuran ko na siya. 

Ngunit hindi pa ako nakakalabas ng pinto nang bigla kong naramdaman na may humigit sa akin at ipihit ako paharap, isinandal ako sa pader. ---- Si Pula pa din yun. 

Tiningnan ko siya ng masama. "Ano na naman? Letse ka!" Tatadyakan ko sana ang paa niya ngunit nakailag siya sa akin. Ngumiti lang siya ng nakakaloko habang nakatingin sa akin. Basta ang nararamdaman ko lang ngayon, ay ang bilis ng tibok ng puso ko. Lagi naman akong ganito kapag kasama ko to eh. Hindi ko maiwasan. 

"Bakit ba nagagalit ka? Binibiro lang naman kita. Don't tell me na, nasaktan ka sa sinabi ko?" Biglang sumeryoso ang mukha niya. 

Hindi kaagad ako makapag-salita sa sinabi niya. Nasaktan nga ba ako sa sinabi niya? Dahil sa umasa ako na hindi siya nagbibiro? Bakit ba ganito nga ako lagi? Naasar sa mga throw jokes niya?

Umiling na lang ako. "H-hindi." 

"Hindi naman pala. So, bakit ka nagagalit?" 

Umalis na siya sa harap ko. Naglakad uli siya pabalik sa kinauupuan niya. Pero ako, narito pa rin sa likod ng pinto. Nakatingin lang ako sa kanya. Paano niya nasasabi ang ganong bagay? Gayong alam niya na may gusto ako sa kanya? Sinasadya niya kaya yun? 

"Hindi ako nagagalit. Kailangan ko ng umalis kasi may pupuntahan ako. Dito ka na lang muna. Text mo na lang ako pag may iuutos ka tapos babalik na lang ako." Palusot ko sa kanya. 

Napalingon siya sa akin. This time, nakakunot na ang noo niya. "Where are you going?" 

Saan nga ba ako pupunta? Ano ang sasabihin ko? "A-ahmm, sa... Sa bahay nina Justine! Yun! Dun nga!" Ay shet. Lalong magagalit to! 

"Ano ang gagawin mo dun?" Naglakad na siya palapit sa akin. Now, nasa tapat ko na siya. Bakit kaya pag kay Singkit, masiyado siyang interesado? 

"W-wala. Joke lang. Uuwi na ako sa bahay." Binawi ko na lang ang sinabi ko. Kasi, alam ko naman na hindi siya papayag kapag dun ako pupunta. 

"No, dito ka lang. Hindi ka aalis hangga't di ko sinasabi. Naiintindihan mo?" Nakataas pa ang kilay niya habang sinasabi niya sa akin yun. 

Seriously? Body guard lang ang peg? So, ako na ang boss ngayon? Hahaha! Ano lang kaya talaga ang problema niya 'no? Nakakalito lang kasi talaga! 

"B-bakit? Ano naman ang gagawin ko dito?" Luminga ako sa paligid. "Malinis naman. Wala naman dumi. So ----" 

His Crazy Hired MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon