*
Twinkle's.
Hanggang ngayon hindi pa din kami nagkaka-ayos ni Red. Hindi ko siya pinapansin, eh. At alam niyo yung masakit? Yung hindi niya ako sinusuyo. Hindi na siya katulad nung dati, na kapag nag-away kami, susuyuin niya kaagad ako. Pero, bakit iba na ngayon? Bakit hindi niya ako sinusuyo? Susuyuin lang niya ako kapag ako ang unang pumansin sa kanya? Ako ba ang may kasalanan? Ayos siya.
Pero alam niyo kasi ang unfair e! Hindi ko siya matiis! Gusto ko siyang puntahan sa building nila para magkaayos na kami. 2days na kaming hindi nagpapansinan 'no! Namimiss ko din naman ang boyfriend ko! Siya kaya, namimiss ako? Siyempre naman no! Mahal ako nun diba?
Pahapon na din at malapit na matapos ang klase ko. Pagkatapos ko dito, pupuntahan ko na talaga si Red. I miss him so badly! Kamusta na kaya ang kumag na yun? Palagi pa din kaya niyang kasama si Mae? Buwisit na babaeng yun. Naalala ko bigla yung nagkasalubong kami kanina sa may cafeteria. Bibili kasi sana ako ng C2 dahil nauuhaw ako. Tumakbo kasi ako papunta sa room kanina. Late na naman kasi ako. Nag-drama ako kagabi, eh.
"Hi Twinkle! How are you?" Tanong sa akin ni Mae nang magkasalubong kami sa cafeteria. Hindi kaagad ako nakapasok sa loob.
"Fine. You?" Gusto ko siyang tanungin kung nasaan si Red pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka hindi naman niya sabihin akin. Patay na patay yata to sa boyfriend ko, eh.
"Happy. Hmm, gotta go. Need to see him. Bye!"
Pagkasabi niya nun, tumakbo na kaagad siya. Si Red kaagad ang unang pumasok sa utak ko nang sabihin niya yun. Nasaktan ako siyempre. Parang siya ang girlfriend ngayon, eh. Parang tanga 'no? Ano na kaya ang nangyayari sa kanila? Hindi ko kasi maiwasan ang mag-isip ng kung ano-ano, eh. I know Red. Nung maid pa lang niya ako, mahilig siya mambabae diba? Si Bella pa nga lang eh! Nahuli ko pa sila sa.... Ugh, nevermind.
Napabuntong-hininga ako. Ano na kaya ang ginagawa ngayon ng boyfriend ko? Tawagan ko kaya? Tapos, sabihin ko sa kanya na sabay kaming umuwi. Miss na miss ko na siya. Grabe.
"Huy, labasan na! Tulala ka na naman!" Biglang pumitik sa harapan ko si Shine.
Napatingin ako sa kanya tapos luminga ako sa room. Nagsisilabasan na ang mga kaklase ko. Isang oras ba akong tulala dito? May naintindihan man lang ba ako? Parang wala naman.
Tumingin ako kay Shine. "Tara na, Shine. Samahan mo ako. Pupuntahan natin si Red." Anyaya ko sa kanya.
Umiling siya. "Ikaw na lang, Twinkybaby. May pupuntahan pa ako, eh."
Inirapan ko siya. "I bet, kasama mo si Harold."
"Oo na! Ngayon na lang uli 'to! Pagbigyan mo na ako, ha? Mas mabait siya ngayon kesa last year, eh."
"O siya, sige na!" Sabi ko sa kanya. Nauna na siyang umalis sa akin. Nang matapos ko naman ayusin ang gamit ko, lumabas na ako ng room. Naglakad na ako papunta sa building nina Red. Excited na akong makita siya! Ako na lang ang papansin sa kanya para matapos na ang away namin. I'm swallowing my pride for him. Mahal ko siya, eh.
"Twinkle!"
Napatigil ako sa paglalakad at nilingon ko ang pamilyar na boses na yun. Napangiti ako nang makita ko yung tatlo. Sila lang tatlo. Wala si Harold. Alam niyo na siguro kung nasaan diba? May date siguro sila ng bestfriend ko. Si Blake, Zach at si Justine lang ang magkakasama ngayon. Nasaan kaya si Red? Medyo napailing ako. Hindi naman siguro niya kasama si Mae diba?
"Hi!" Bati ko nang makalapit sila sa akin. Kumaway pa ako.
"Saan ang punta mo?" Tanong sa akin ni Justine.
BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomanceWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?