~~~
"WHAT a sweet scene with Justine. Kayo na ba?" Tanong ni Pula kay Twinkle.
Ano daw? Nananatiling nakatingin lang siya rito. Nakita kaya nito? Ayy! Nakita nga siguro ako nito sa park kanina! "H-ha?" Iyon lang ang tanging nasabi niya. Bakit naman ito magagalit?
"Ang sweet niyo sa labas. Sa park. I saw you both." Seryoso pa din na sabi nito.
"A-ah, 'yon ba? Niyaya ko lang naman siyang kumain sa park kanina kasi hindi ako nabusog sa kinain ko sa canteen. 'Yon lang. H-hehe. Bakit ba?" Ano ba ang pakialam nito?
"Is he your boyfriend already?"
Napatingin siya rito. Bakit naging interesado ba ito? Baka naman nagseselos? Pero, imposible! May girlfriend ito. Umiling siya. "No."
Mukhang hindi ito naniwala sa sinabi niya. Pati, bakit ba? Ano naman kung boyfriend niya si Justine? May magagawa ba ito? Oo, kapag sinabi niyang gusto niya rin ako. Hahahaha!
Naglakad na siya patungo sa hagdan. Gusto na niyang magpalit ng damit. Masiyado siyang napagod sa maghapon. Baka kasi mamaya, may iutos ito sa kanya.
Napatigil siya ng tawagin siya muli nito. Lumingon naman siya.
"I am asking you seriously, Yuri." He looked directly into her eyes. "Is he your boyfriend?"
Biglang nag-init ang dugo niya. "So what? Eh ano naman kung boyfriend ko siya? Magseselos ka ba? Magagalit ka ba sa kanya kung boyfriend ko nga siya? Eh ano naman sa'yo?" Naaasar na kasi siya! Hindi pa siya diretsuhin nito! "Pati, ano ba ang pakialam mo ha?!" Idagdag pang nakita niyang kasama rin nito si Bella sa park kanina. How jealous she was! Hindi ito nagsalita. Nakatingin lang ito sa kanya. Naglakad siya palapit rito. "Hoy!" Dinuro niya ito. "Ano ba talaga ang problema mo? Bakit hindi mo ako diretsuhin? Ang gulo mo din 'no?" Inirapan niya ito. "Kung may iuutos ka, tawagin mo na lang ako sa kuwarto! Pakshit ka!" Padabog niya itong tinalikuran at tumakbo na siya patungo sa kuwarto niya.
Naramdaman na lamang niya na tumulo na ang luha niya. Marahas na pinalis niya iyon. Bakit ba siya iiyak?! Ano ba ang karapatan niya?! He has a girlfriend! Kaya wala siyang karapatan na magselos!
Ngunit, nagtataka kasi siya. Bakit sobrang interesado nito kung boyfriend niya si Singkit? Magiging masaya siya kung magseselos ito. Pero, kung hindi naman, ay bakit gusto pa nitong malaman?! Katulong lang siya! Dapat, uutusan lang siya nito! Oo, katulong ka. Kaya wala kang karapatan magselos sa kanila ni Bella. Singit ng bahagi ng utak niya. Pakyu pati itong isip niya! Isa pang kontrabida.
Naglakad siya papunta sa kama at nahiga doon. "Puchaaang Pula 'yan. Maging pink at blue sana siya!" Asar na kinuha niya iyong unan at sinalampak sa mukha niya.
And again, umiyak na naman siya. Badtrip!
BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomantizmWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?