~*~
Twinkle's.
"Yuri,"
That voice. Alam ko kung kanino yun. Nananatili lang ako sa posisyon ko dito sa swing. Siya lang naman pati ang natawag sa akin ng Yuri. God, how I missed my boss! Hindi na ako galit sa kanya, masama lang ang loob ko. Wala na naman akong magagawa kung si Mae ang pinili niya 'di ba? Pero, masakit.
Saka ko lang napansin na nasa harap ko na pala siya at nakatitig sa akin. Tumingin ako sa kanya. "Anong ginagawa mo rito?" Normal na tanong ko lang sa kanya.
Naupo siya sa kabilang swing na katabi ko lang din. "I'm here for you."
Gusto kong kiligin pero pinigilan ko ang sarili ko. Gusto kong mapangiti pero pinigilan ko ang sarili ko. Napatingin ako sa kanya. "Siraulo ka," As I said, hindi na ako galit sa kanya. Masama lang ang loob ko. Hindi din naman ako magiging masaya kung magagalit pa ako sa kanya. The best thing to do is just move on. Yung tipong walang galit.
Napatingin ako sa kanya nang bigla siyang tumayo at pumunta sa harap ko. "Are you still mad at me, Yuri?"
Tumayo ako at hinarap ko siya. I shook my head. "My emotions can't help me to move on. So, no. Hindi na ako galit sayo." I looked at him. "Pero, masama ang loob ko."
Nagulat ako nang bigla niya akong kabigin at yakapin ng sobrang higpit. "Yuri! God knows how much I missed you!"
Kaagad na humiwalay ako sa kanya. "Gago ka ah, nagmo-move on ako,"
"Yuri, I can't love her and I won't love her. Ikaw lang ang mahal ko, Yuri. At hindi na magbabago yun. Alam kong alam mo yun, 'di ba?" Sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. "Alam ng Diyos kung gaano ko sinubukan ang mahalin siya pero... I can't. I just cant," umiiling-iling pa na sabi niya.
I patted his cheek. "Try harder, Pula. Kaya mo yan. Sige, aalis na ako." Maglalakad na sana ako palayo sa kanya pero pinigilan niya ako. Napatingin ako sa kanya. "W-why?"
"Yuri please. Hindi mo na ba ako mahal?"
Tiningnan ko siya ng masama. "Eh siraulo ka pala eh! Bakit ang tanga ng tanong mo? Mage-emote ba ako dito kung hindi kita mahal? Kaya ako umalis sa coffee shop, dahil din sa inyo. Akala ko kaya ko na kayong makita pero nagkamali pa din ako." Inirapan ko siya. Napatingin ako sa kanya, napa-angat ang kilay ko nang makita kong nakangiti siya. "Why are you smiling like that?!"
He walked closer to me, napaurong naman ako. "So you mean, you still love me?"
Sinapok ko siya. "Ewan ko sayo! Hoy, fyi lang ha! Galit pa ako sayo. Hindi ko makakalimutan yung ginawa mo sa akin. Hindi mo kaagad ---"
"Yuri, nung time na sinabi sayo ni Mae na engaged kami, sasabihin ko na din dapat yun sa'yo. I followed you that time! Pero, I was late. Naunahan na niya ako."
Napakurap ako. Mukhang sinasabi naman niya ang totoo. Katulad nga ng sinabi ko, wala din naman maitutulong ang galit ko kaya okay lang naman siguro ang patawarin ko na siya diba? Mas magiging okay siguro ako kapag okay na kaming dalawa. Kahit, friends lang. Kahit sobrang sakit sa akin na may fiance na siya, wala pa din akong magagawa. Para sa negosyo nila yun!
![](https://img.wattpad.com/cover/6240919-288-k981114.jpg)
BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomanceWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?