~~
Justine's.
NAPANGITI ako habang nakasakay na ako sa kotse ko pauwi. Inihatid ko na si Twinky sa bahay nina Shine. Doon daw siya tumutuloy ngayon, eh. Nakiusap siya sa akin na huwag ko daw sasabihin kahit kanino. Hindi nga din daw alam yun ng mommy ni Red.
"Why don't you try to love me?" Tanong ko kay Twinky. Bibiruin ko lang siya. I want to see her reaction. Kahit naman gusto kong mahalin niya ako, hindi na niya magagawa kasi alam ko na talaga kung sino ang mahal niya. See? Hindi pa nga niya boyfriend si Red pero ganito na siya makaiyak.
Gago ang lalaking yun. Wala siyang karapatan na saktan ang babaeng mahal ko. Binigay ko na nga sa kanya tapos sasaktan lang niya? Hindi ko na nga naituloy ang plano ko na pagselosin si Red kasi nga palagi naman silang magkasama ni Yuri noong mga nakaraang araw.
"E-e-eh?" Napatawa ako ng malakas dahil sa itsura ng mukha ni Twinky. Namula ang buong mukha niya. "J-joke ba yun?"
Napatigil ako sa pagtawa. "Oo. Kahit naman hindi joke yun, hindi mo pa rin ako mamahalin diba? Mas mahal mo ang boss mo, eh."
Nang sabihin ko yun, hindi na siya nagsalita. Totoo naman diba? Kahit hindi joke ang sinabi ko, hindi pa rin niya ako kayang mahalin kasi nga, mahal niya ang gagong boss niya na wala naman ginawa kundi saktan siya.
I really don't want to see her crying. Lalo na kanina, nang umiyak siya sa balikat ko. Parang gusto kong puntahan ang Red na yun at suntukin ko ang mukha niya. How dare him hurt her? Pinaghintay niya ng ilang oras sa restaurant tapos sorry lang ang sasabihin niya? Siraulo pala siya, eh.
Biglang nag-ring ang cellphone ko. Itinigil ko sandali yung kotse at sinagot ko yung tawag. Unknown caller ang nalakalay. Sino naman to?
I answer the call. "Hello? Who's this?"
["Its me. Red."] Sabi sa kabilang linya.
Biglang nag-init ang ulo ko. "What do you need?"
["Let's talk. About Yuri."]
"What about her? Bakit mo sinaktan si Twinky? Ang gago mo. Mahal ka nong tao tapos sasaktan mo lang?"
["I have my reasons. Magkita tayo mamayang gabi. Sa Max bar."] After that, he ended the call. Napatingin na lang ako sa phone ko.
I shrugged. Hmm, okay. Wala naman masama.
~~
Twinkle's.
"HUY! Tulala ka naman diyan. May nangyari na naman ba?" Napalingon ako sa likod ko. Nandito kasi ako sa verandah nina Shine. And yes, may iniisip na naman ako. Palagi naman, eh. Kapag nag-iisa ako, nag-iisip ako.
"Ha? Wala naman. Nag-iisip lang ako dito." Sagot ko, sabay tingin uli sa kawalan.
"So, may nangyari nga?" Tumayo din siya sa tabi ko.
Umiling ako. "Wala nga. Ano naman ang mangyayari? Hindi ko naman siya pinansin kanina, eh. Si Justine ang kasama ko. Pati, bumalik ka ba kanina sa canteen?"
"Oo. Kinausap ako nong tatlo. Nagso-sorry sila sayo. Patawarin mo na kasi. Hindi naman nila kasalanan yun, eh. Kasalanan ng boss mo yun. Wala silang kinalaman dun."
![](https://img.wattpad.com/cover/6240919-288-k981114.jpg)
BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomanceWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?