HCHM 21

6.1K 117 3
                                    

*** 

"BYE, Singkit. Mauuna na ako sa room ko. Antok na din ako masiyado, e." Paalam ni Twinkle kay Justine. 

Tumango lang siya. "Oo sige. Ingat." 

Ngumiti lang ito sa kanya at naglakad na patungo sa loob ng hotel. Napangiti siya. Mabuti na lang at hindi nailang si Twinkle sa sinabi niya. Hindi na kasi niya mapigilan, e. He easily fall for her. Because of her smile, laugh, and everything. He just love everything about her. She's too cute and so amazing. 

Naglakad-lakad muna siya. Hindi pa kasi siya inaantok. Nang matapos sila sa Coco bar kanina ay si Twinkle na ang nagyaya sa kanya na umalis na sila doon. 

Naupo siya sa buhanginan habang nakatitig sa dalampasigan. May pag-asa kaya siya kay Twinkle? May chance din kaya na ma-in love ito sa kanya? Hay! Ano ba itong iniisip ko?! Ngayon lang ako nagka-ganito sa babae! 

Marami kasi siyang gustong malaman tungkol kay Twinkle. Alam na kaya ni Red na wala ng magulang si Twinkle? Bakit niya ba iniisip pa ang mga bagay na iyon? Si Twinkle na ang nagsabi sa kanya na huwag niyang sasabihin ang tungkol doon. 

Tumayo na siya. 

He promise, he's going to make her fall in love with him. 

He's hoping that he can. He thought. 

***

GOOD MORNING BORACAY! Masayang naisip ni Twinkle nang magising siya. Saturday na! Hindi siya ganoon nakapag-enjoy kahapon. Pero nag-enjoy naman siya na kasama si Singkit kagabi. Kaya siya nagyaya umuwi ay antok na kasi siya. Nilalamig pa siya. 

Masayang bumangon si Twinkle sa kama niya. Papasok na sana siya ng banyo nang biglang bumukas iyon at lumabas si Bella na naka- two piece na kulay pink. Napatitig na naman siya rito. Bakit ba ang ganda ng maarteng ito?! 

"Inggit ka sa'kin 'no? Kasi maganda ako," sabi nito at umirap pa sa kanya. 

Kumurap siya. Nakatitig na naman ako! Ugh. "A-ako? Inggit sa'yo? Duh. Hindi 'no!" Inirapan niya ito at tuloy-tuloy na siyang pumasok sa loob ng banyo. 

Nang matapos siyang maligo ay nagbihis na siya. Nag-maiksing shorts na lang siya at simpleng sando. Hindi naman kasi siya sanay kapag katulad ng kay Bella maarte! 

Ipinusod niya iyong bangs niya habang nakalugay ang hanggang balikat niyang buhok. Pagkatapos niyon ay lumabas na siya ng hotel room niya. Bigla naman akong nagutom! Ano ba 'yan! 

"Yuri." 

Napalingon siya sa likod niya. "Yow! Pula!" Patakbo siyang lumapit rito. "Good morning, Pula!" Masiglang bati niya rito. 

His Crazy Hired MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon