HCHM 18

6.2K 123 6
                                        

******* 

"SALAMAT po!" Masiglang sabi ni Twinkle sa ina ni Red. Ibinigay na nito sa kanya ang suweldo niya. She bowed a little. "Maraming salamat po talaga." 

"Its okay. 'Di ba may field trip kayo bukas? Bakit hindi ka pa nag-hahanda ng mga dadalhin mo?" Tanong sa kanya nito. 

She nodded. "Opo. Mamayang gabi na lang po ako maghahanda ng mga dadalhin ko." 

Tumango ito. "Sige. Puwede ka ng lumabas. Ingatan mo 'yang pera mo ha? Baka mawala sa'yo 'yan." 

"Sige po. Maraming salamat po." Ngumiti muna siya rito bago siya lumabas ng office nito. 

Napangiti siya. Hayy! Sana hindi na matapos ang pagiging maid niya roon. Kahit na hindi niya gusto ang ugali ng amo niyang si Pula. Hmp! Nasaan nga kaya ang isang 'yon? 

Anyway, wala silang pasok ngayon dahil nga sa field trip nila. Ayos 'no? Pinagbigyan sila ng mga guro nila para mag-prepared. Malungkot din siya dahil hindi niya makakasama ang kaibigan niyang si Shine sa Boracay. Bakit ba kasi hindi pa pinayagan ng Daddy nito ang kaibigan niya. May kausap sana siya at kalaro doon. 

Papasok na sana siya ng kuwarto niya nang biglang lumabas naman si Pula sa kuwarto nito. Napatingin siya rito. "Hoy, Pula! Nariyan ka pala? Bakit 'di ka nalabas? May bulutong ka?" 

Kaagad na tiningnan siya nito ng masama. "Shut up, Yuri. Don't ruin my day." 

"Ruin your day agad? Tinanong lang naman kita. Anong ang nakaka-ruin 'don?" 

Hindi na lang siya nito pinansin. Dumiretso na ito pababa. Napaingos siya. "Palibhasa, bakulaw, monster, diyablo. Pink, Green, rainbow! Hmp!" Sabi niya, sabay pumasok na sa loob ng kuwarto niya. 

*** 

THURSDAY! Masayang bumangon si Twinkle sa kama niya. Ngayon na ang field trip nila sa boracay. Nakahanda na ang lahat ng dadalhin niya. Tatlong araw lang naman sila doon. Kaya hindi ganoon kadami ang dinala niyang mga gamit. Alas sais ng gabi siya aalis sa bahay. Para Alas siyete ay naroon na siya sa Celestine. 

Nagtungo siya sa banyo upang mag-tootbrush at maligo. 

Nang matapos siya ay lumabas na siya. Dahil sa gulat niya napasandal siya sa pinto ng banyo nang makita si Pula sa loob ng kuwarto niya. Naka-towel lang siya! 

"Hoy!" Dinuro niya ito. Nakaupo ito sa kama niya. "Ano bang ginagawa mo dito, ha?!" Pinag-krus niya ang dalawang braso sa dibdib niya. 

Ngumisi ito. "Feeling mo interesado ako sa katawan mo?" 

Napakurap siya. "M-may sinabi ba ako? Bakit ba pasok ka na lang ng pasok dito?!" 

Tumayo ito. "Pakibilisan at may iuutos ako sa'yo." Nakatingin lang siya rito habang naglalakad ito. Palabas na sana ito nang muli siyang lingunin. "Flat-chested." Ngumisi ito at lumabas na ng kuwarto niya. 

"Flat-chested." 

Napanganga siya nang mag-sink in sa utak niya ang sinabi nito. Ano daw?! Siya? Flat chested?! Tiningnan niya ang dibdib niya. 

"Oo nga naman...." bulong niya sa sarili. 

Pero... Letse talaga iyang Pula na iyan! Lahat na pinansin sa kanya! Napanguso siya. "Ang yabang talaga ng Pula na 'yon! Akala mo kung sino! Oo, maganda ang katawan niya! Pero, hindi naman niya kailangan laiitin ako! Buwisit!" Pag-ngi-ngitngit niya habang nagbibihis siya. 

His Crazy Hired MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon