(Zach at the multimedia)
**
MONDAY. Ngayong araw na ito ang simula ng mini activity. Hindi niya alam kung ano ang gagawin nila ni Pula. Mukhang hindi naman makiki-cooperate ang isang iyon, e.
Nang makarating siya sa school ay saktong inaabangan siya ni Shine sa may pinto ng classroom nila. Nakangiting kumaway siya rito.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya.
"Hinihintay kita." Hinigit siya nito patungo sa loob ng classroom. Naupo sila sa mga permanent seats nila. "So, exci ---"
"Hindi," kaagad na sagot niya. Alam niyang tungkol sa activity ang sasabihin nito. Kung excited siya, puwes, hindi siya excited!
"Bakit?"
"Dahil alam ko na hindi makiki-cooperate ang partner ko. Si Pula 'yon. Duh? Mukha bang gusto niya ang activity?" Taas-kilay na sabi niya.
"Ow?"
"Anong ow?"
"Hindi niya gusto ang activity?" Tanong nito.
"Kasasabi ko lang 'di ba? Nag-cotton buds ka ba?"
"Hindi niya gusto ang activity." She pointed at her. "Pero, ikaw. Gusto mo 'no?" Tudyo nito.
"May sinabi ba ako? Wala naman, 'di ba?"
"Sus, 'yon ang meaning ng mga sinasabi mo 'no."
"Wala sa dictionary 'yon," sabi niya na lang. Iniwas niya ang tingin dito. Isinandal niya ang likod sa kinauupuan. Hindi ko gusto na ma ---- Pero, ano ba yan!
Maka-lampas ang ilang minuto ay dumating na ang guro nila. Nakatayo ito sa harapan. "Good morning class!"
"Good morning, 'Mam!" Ganting bati nila.
"So, today is monday? Ngayon ang simula ng mini activity ninyo. Nasa gym na ang partners ninyo. Section ninyo na lang ang wala 'don. Tumayo na kayo diyan at pumunta na kayo 'don,"
Tumayo siya. "Mam, wait!" Nilingon siya nito. Palabas na kasi sana ito ng room. "Akala ko po ba kami ang bahala na -----"
"Ms. Tabernilla. Napapansin ko na ikaw lagi ang kontra sa activity na 'to, a. May problema ka ba sa partner mo?"
Umiling siya.
"Iyon naman pala. Huwag ka ng maingay diyan at pumunta na kayo sa gym." Tuloy-tuloy na itong naglakad palabas ng room.
BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomanceWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?