~~~
Twinkle's.
DALAWANG araw na ang nakalipas mula nong nagkausap kami ni Pula sa labas ng school. Ganoon pa din naman, eh. Hindi pa din kami masiyado nagkakapansinan. Kapag uutusan lang niya ako, yun lang. Ngayon naman, palagi na niya akong inuutusan. Ang gulo niya ano?
Hanggang doon na lang. Utos dito, utos doon. Nakausap ko nga si Singkit kahapon, eh. As usual, si Pula pa din ang topic namin. Ano ba ang bago? Halos lahat ng nakakasama ko, tungkol kay Pula ang itinatanong nila. Nakakasawa na.
"How are you there? Okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Singkit nang tawagan niya ako. Narito lang ako sa kuwarto ko. Lalabas lang ako kapag may iuutos na sa akin ang boss kong gago.
"Hmmm, I'm fine na. Ikaw ba?" Tanong ko naman sa kanya. Ano naman ang itatanong ko? Eh yung tanong niya, halos walang pinagkakaiba sa tanong niya kapag nagkikita kami sa school, eh.
"Okay lang din naman. Anyway, Twinky. Naisip ko lang. Bakit hindi ka na lang kaya umalis diyan sa bahay ng boss mo? Bakit hindi ka na lang mag-resign?"
Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niya. Gustuhin ko man, ayaw naman ng puso ko. Mamimiss ko siya, eh. Mahihirapan lang ako lalo. "A-ayoko, eh. D-Di ko kaya..."
"Pero, nasasaktan ka lang."
Marahan akong tumawa. "Okay lang naman ako, Singkit. Don't worry. Makaka-move on din ako. Tiwala ka lang!"
"Hmm, sige. Sabi mo, eh. Pero, tawagan mo ako kapag malungkot ka ha? Bibili kita ng Ice cream at chocolate."
Natawa ako sa sinabi niya. "Sige!"
Yun lang pinag-usapan namin kahapon. Palagi naman, eh. Napabuntong-hininga ako. Nandito lang ako sa field. Kasama ko kanina si Shine pero nauna na din siyang umuwi. Pinilit pa nga niya akong matulog sa kanila, eh. Pero, hindi din naman ako pumayag.
Na-kuwento ko na sa kanya ang nangyari. Ayun, napikon siya kay Sheena at kay Red. Ano ba ang aasahan kong reaksiyon niya? Matuwa dahil nasasaktan ako? Gusto ko ng sumaya. Kailan kaya mangyayari yun? Siguro, kapag boyfriend ko na si Red. HAHAHA! Joke.
Napaigtad ako nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko yun sa loob ng bag ko at tiningnan ko kung sino yung tumatawag. Napakunot-noo ako nang makita ko ang pangalan ni Pula sa screen. Sasagutin ko ba? Sige na nga. Baka may iuutos lang naman.
I answer the call. "U-uhh, h-hello?" Shit. Kailangan kong mautal?
["Where are you?"]
Luminga muna ako. Baka kasi mamaya, nariyan lang pala siya. Pinagti-tripan ako. Kilala ko na ang gagong yun. Hmp! "A-Ahh, nandito sa field. Bakit?" Nagtatatakang tanong ko pa din. "May iuutos ka ba?"
BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomanceWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?