~~~~~~
Tinitingnan ko ang aking sarili mula sa maliit na parisukat na salamin na nakandikit dito sa pader. I trace my eyebrow up to my forehead, na s-stress ako dito sa mga kaibigan ko. Natural sa mukha ko ang mataray na tingin, mataray na awra kahit minsan hindi ako nagtataray o nagsusungit. Pero lumalala ang pagkamasungit ng itsura ko kapag totoong nagsusungit na ako.
"Ano na namang ginawa mo, Jayzel!"
"what? I just did what we plan-"
"Ang usapan magpapanggap ka lang! Bakit mo naman hinalikan!!"
"Larence naman! Ano sakin na naman ang sisi? Yun naman talaga ang usapan!"
"Manahimik! Nangyari na. Is there anything else we can do- wala! Tatanga kase. Ano wala na bang tatanga pa sa pinag gagawa nyo?" nakakainis sila. Simpleng plano hindi man lang magawa
"Easy there guys-"
"Isa ka pa Vince! Seriously? Magpanggap na ex? Kung hindi ka ba naman tatanga tanga, Alam ng lahat na walang ex yung babae tapos bigla kang magpapakilalang ex? Edi mas nayari yung babae!"
We've planned it well. As in maayos na maayos. Yung hindi kami papalpak. Tsaka ilang beses na namin to ginagawa bakit ngayon pa kami pumalpak.
" Ang simple ng plano. Jayzel you're just going to tell that you're a long time boyfriend, sincere! Para maniwala yung mga tao. Pero shit lang! Anong ginawa mo? Kung makahalik ka, tigang ka ba? Manyak ka!"
Dahil sa sinabi ko pare parehas nagtawanan ang mga gago. Tiningnan ko lang sila isa isa at nanahimik na sila.
" Bigla pang nagkaroon ng ex. Ay naku"
"Acting na acting si Vince e" pang aasar ni Larence
"Sorry Ad, kaya ko pa naman ayusin yun, kung hindi lang lumitaw tong ex na to!" pasaring ni Jayzel kay Vince
"Come on guys! Hindi lang ako dapat ang sisihin dito. Ad-"
"Manahimik kayo. Bahala kayo dyan. Kayo kumausap sa kanila" sabi ko sa kanila at kinuha na ang bag ko.
"Ad walang iwanan diba?"
"ulul ka Jayzel! Wag kang mag drama, kayong dalawa ni Vince may kasalanan!" tatawa tawa pang sabi ni Larence. Kala mo wala syang ambag sa katangahan na nangyari
"Ad!" Jayzel barked
"I still have my afternoon class. Ayoko sana pero mas gugustuhin kong pumasok ngayon kesa naman" tiningnan ko pa sila isa isa na para bang nandidiri
"Ad! We're in this together!"
"No. We're not."
Sana lang talaga makalimutan na agad kami ng mga kumuha sa amin para mag panggap ngayong araw.
Umalis na ko sa maliit na kubo at pumunta sa may waiting shed. I texted Wenard to pick me up. Sya lang ang hindi kasali dito ngayon kaya hindi sya kasali sa inis ko.
"Larence texted me hahah palpak ang plano nyo? Sabi naman kasi wag nyo na ituloy" bungad sakin ni Wenard pagkasakay ko sa sasakyan nya
"Bakit hindi motor dala mo?" tanong ko at binaliwa yung sinabi nya. Saming lima si Wenard and may pa rich kid talaga kaya mas maaasahan ko to
"Bakit ayaw mo ba to? Comfortable." sabi nya, napairap naman ako
"next time na susunduin mo ko, motor na lang ha! Para hindi tayo nagkakaintindihan" sana na gets nya na ayaw ko syang kausap
Naiirita pa rin talaga ako. One year na simula nang patulan namin yung ganong bagay. Magpanggap. Hinihire kami, actually sila lang. Kasi hindi naman ako pumapayag na ako ang mag panggap sa gitna ng altar. Bukod sa pera. Out of boredom kaya pinatulan na namin.
YOU ARE READING
Distracted
Teen Fiction~ "I can distract myself by watching some videos. I can distract myself by doing my assignments. I can distract myself by listening to my friends rants. I can distract myself by thinking about my family's situation. I can distract myself by spending...