Distracted 14

10 1 0
                                    


~~~~~

Wala akong nagawa kundi magpatangay dito kay Larence, nag stroll kami kahit tirik na tirik ang araw. Napaka papansin talaga. Kung saan saan nya ko dinala. Pati ata baranggay nila inikot namin. Kung saan saan din sya humihinto, bawat hinto nya lagi syang may kinakausap.

Magdadalawang oras ata kaming paikot ikot. Bwisit talaga. Isang oras ako uupo sa park, maghintay sya kung kaylan gusto umalis ng pwet ko.

Tumigil kami dito sa park malapit sa munisipyo. Naghanap kami ng bakanteng pwesto, sa upuang gawa sa semento na nakapalibot sa isang puno.

"Imbis na natutulog ako Larence!"

"Nilibre ka na ng meryenda nagagalit ka pa din hahaha" tukoy nya sa binili nyang snowball. Yung may crushed ice at sago nakalagay sa plastic cup. Favorite!

"Kahit na. Ano to suhol? Kasi binilad mo ko sa araw?"

"Wala ba kayong problema ni Wenard?"

"wala. Okay kami. Bakit?" sagot ko sa kanya, nagkibit balikat sya

"baka kasi ikaw yung dahilan kaya sya umuwi agad"

"Ano iniiwasan nya ko ganun? Papansin ka naman. Okay kami ni Wenard. May usapan kami, huwag kang gumawa ng kwento dyan" sabi ko kay Larence, tumango tango naman sya.

For a while, we stayed quiet and just watched some people who were also in the park.

I thought that if Wenard is avoiding me, it's okay with me. Like I told Jaylo, it's their rights; maybe it's one of their ways to express the frustration they're feeling. But I think Wenard isn't avoiding me, papansin lang talaga itong si Larence.

"Adal" putol ni Larence sa saglit na katahimikan

"hmm?"

"May sinabi ba sayo si Cedric?"

"about what?"

"may nalaman kasi ako" sabi nya,

Nilingon ko sya at pinagtaasan ng isang kilay "tsismoso ka talaga noh?"

"Ang ingay kaya nila. Nairinig ko lang. Hinatid namin sila sa labas kanina, ako ang huling pumasok kaya narinig ko" dahilan nya

"o tsismoso ka nga. Pwede namang pumasok ka na lang at pabayaan sila na mag-usap"

"May narinig ako kanina sa usapan nila Trey, yung kaibigan nila Cedric at Jeromy" patuloy nya sa hindi nya sinadyang pakinggan daw sa usapan ng iba

"ano?" tamad kong tanong. Hindi naman ako interesado sa buhay ng iba. Kapag ito walang kwenta, tiningnan ko ulit si Larence pero muka syang seryoso at malalim ang iniisip

"kaya pala..." sabi nya pa

"kaya pala ano?" tanong ko at mukang nagulat pa sya na narinig ko yung sinabi nya na dapat ata sya lang makaririnig

"sabagay madami namang nagkakagusto sayo"

"Larence baliw ka ba? Pinagsasabi mo? Ano yung narinig mo?!"

"uy gusto rin malaman hahaha"

"ay malamang! tanga ka? Sinabi sabi mo sakin tas sarili mo lang kauusapin mo dyan!" hindi ko na mapigilan mainis sa kanya

"Narinig ko kasi na may crush daw sayo si Cedric. Inaasar nila si Cedric kanina, hindi naman tinatanggi ni Cedric, yun, gusto ka nya."

Utot.

Si Zedric may crush sa akin? May gusto sa akin si Zedric?

"As usual, ikaw na ikaw Adal. Walang pake sa nagkakagusto sayo"

Distracted Where stories live. Discover now