~~~~~That same day, in the evening, we went out to accompany Jayzel to the salon! And yes, he did get a haircut. But before that, as concerned friends syempre, we asked him if he was really okay with it. Baka lagnatin pa sya. He said, "Adal already cut it, nahiya pa. G na. "
Unang araw, hindi nya kami pinansin. Wala syang pinansin sa amin. Pumunta kami kinabukasan sa kanila, hindi kami nilalabas ng kwarto nya. Sumunod na araw, nagulat kami nagpalit sya ng profile picture sa fb, and we didn't expect those feedback he got. Simula nun, nagpasalamat sya sa akin, dahil nagpakatalino raw ako.
Eto kami ngayon, ako, Larence, Vince, Wenard. Hindi maipinta ang mukha dahil kay Jayzel. Andito kami sa oval, nakatingin sa naka semi kalbs naming kaibigan.
Gusto kong itanggi, pero bagay talaga sa kanya. Jayzel looks so fine.
"Bakit ang gwapo ni Jayzel"
Napatingin sa akin ang tatlo, parang naalibadbaran sa sinabi ko. Pero alam kong ganoon din ang iniisip nila. Bagay kay Jayzel. Ayaw lang nilang aminin na gwapo ito.
"Ad, respeto sa amin o. Kaibigan mo rin kami."
"Gwapo rin naman kayo" pampalubag loob na sabi ko sa kanila.
"Dapat 'di na pinakalbo yan. Tingnan nyo kala mo kung sinong kalbo e!"
"Adal, naninibago ka lang. Bukas makalawa, panget na yan. Magiging kiwi na yan."
Pare-parehas kaming nagtawanan dahil sa sinabi ni Larence. Tuloy, si Jayzel kaninang ngiting ngiti habang naglalakad, magkasalubong na ang kilay.
"Ganda pala kapag kalbo e, daming chicks!"
"Sa una lang yan!"
"Paglilipasan ka rin!"
"tamo next year bulok na kiwi na yan." hindi gaya nila Vince at Wenard na harapang sinabihan si Jayzel, si Larence binulong lang sa akin.
Hindi ko na napigilan ang tawa ko,
"Kanina sinabihan kang gwapo ni Ad, tingnan mo ngayon, tawang tawa, sabi sayo e, sa una lang yan."
Ewan. Ayaw na mawala sa utak ko yung sinabi ni Larence.
"Dyan muna kayo. Bantayan nyo si Jayzel baka pagkaguluhan, malamog."
We still have classes even though there’s nothing much to do. It’s just to take care of the final requirements. But my department is required to attend because we have an upcoming event. Other departments are not required to watch, only those who want to. But for us, it’s really necessary, especially for our classmates. Baka nakakalimutan nila na may additional prize ang section na makakapagbigay at magpapakita ng support sa kani-kanilang candidates. Syempre ang kaklase ko g na g. Pangunahan ba naman ni Remi.
I haven’t fully approached the door of the auditorium yet, but I can already see the figure of a woman. She was just standing there, and when she saw me, she straightened up. Did she come here for me? If so, I didn’t expect this. I never thought she would talk to me. I can’t think of a reason. She’s not like her best friend. Tuluyan na nya akong sinalubong nang makalapit na ako sa pinto kung asaan sya.
"Adal"
"sorry, akala ko nasa loob ka. Inaantay kita dito sa labas." Reyn said.
"Bakit?"
"May gusto lang ako sabihin. If is it okay...?"
Sumilip ako sa konting awang ng pinto, nasa kalagitnaan sila ng pag pra-practice.
"Tungkol saan? Madami ka bang sasabihin o hindi naman?"
Papakinggan ko lang naman sya. Sabi nya may sasabihin sya.

YOU ARE READING
Distracted
Teen Fiction~ "I can distract myself by watching some videos. I can distract myself by doing my assignments. I can distract myself by listening to my friends rants. I can distract myself by thinking about my family's situation. I can distract myself by spending...