Distracted 19

10 1 0
                                    


~~~~~

Gabi na at wala pa rin si Adal. Alam ko dito sya sa dorm uuwi. Kung uuwi sya alam kong mag te-text sya sa akin. Baka sumama lang sa mga kaibigan nya. Kaming tatlo ni Jeromy at Jaylo ang andito. Itong si  kuya hindi pumirmi sa bahay.

Nagulat pa ako sa biglang pagbukas ng pinto.

"Kala ko hindi ka uuwi dito" sabi ko sa kanya. Nagdere-deretso sya ng lakad papunta sa harap ko.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na magkakakilala kayo ni Jeromy at Cedric! Kael kapatid mo si Jeromy at pinsan nyo si Cedric!"

Kala ko naman kung ano na.

"ano naman"

"Anong ano naman! Bakit hindi mo sinabi sa akin? Ha!"

"Hindi ka naman nagtanong" dahil sa sinabi ko napahilot sya sintido nya at umupo na "tsaka ano naman sayo kung kapatid, pinsan ko sila"

"Naniwala yung ibang kaklase ko na kapatid kita...wala. Wala wala kalimutan mo na" sabi nya sa akin. Sumandal sya sa upuan at pumikit.

Wala daw pero yung mga kinikilos nya kabaligtaran ng mga sinasabi nya.

Alam ng kaklase nya na magkapatid kami. Pwedeng alam din ng iba na kapatid at pinsan ko sina Jeromy at Cedric.

"ayaw mo bang kapatid ako"

Mas lalong kumunot ang noo nya at nanatili syang nakapikit "gusto. Hindi ko naman ipakikilala na kapatid kita kung ayaw ko, pero"

"pero?"

"wala. Matutulog na ko" sabi nya at dumeretso na sa kwarto ko.

May pakiramdam ako na parehas sila ng inaalala ni Cedric. Pero hindi ako sure kung ganoon talaga kay Adal.

Noong nakaraan tinanong ako ni Cedric kung bakit kapatid ang sinabi ni Adal tungkol sa akin. Tinanong nya ako noong simula pa lang sila nagiging close ni Adal.

"Gusto ni Adal. Tsaka walang masama kung kapatid ang tingin sa amin ng bagong makakikilala sa amin" sabi ko kay Cedric. Natatawa si Kuya kay Cedric, para kasing sobrang laki ng problema ni Cedric.

"Naiintindihan ko na kapatid ang turingan nyo. Pero yung kapatid talaga ang alam sa inyo ng iba? Ayoko."

"Arte mo dude! " sabi ni Kuya sa kanya, hindi ko na rin talaga mapigilan ang hindi matawa kay Cedric

"Ano na lang sasabihin ng iba? Ng mga taong alam na may gusto ako sa kanya? Yung mga taong alam na magpinsan tayo. Sasabihin nila nagkagusto ako sa pinsan ko?" Cedric looks so frustrated.

Para bang iyon na ang pinakamalaking dagok sa buhay nya. Hindi ako tinigilan ni Cedric nung araw na yun, na gumawa raw ako ng paraan para ipaalam sa mga taong nakakaalam na magpinsan kami na hindi ko kapatid si Adal. Wala naman akong magawa.

Hindi pa ako siguradong sigurado kung iyun din ang kinababahala ni Adal.

"Adal" naabutan kong nasa kama ko sya, nakadapa. Sa taas ang pwesto nya pero lagi syang nakakatulog dito sa baba. Iginilid nya ang ulo nya at tumingin sa akin

"ano?"

"Ayaw mo ba na isipin ng iba na may gusto sayo pinsan mo?"

"wag mo akong simulan Kael"

Hindi ko alam kung naniniwala sya sa mga naririnig nya. Hindi ko nga alam kung saan nya talaga nalaman. Pero sigurado ako na hindi kay Cedric o kay Jeromy. Mahigpit na bilin sa amin ni Boss Cedric na huwag sasabihin kay Adal. Sa pagkaka alam ko, mga kaklase lang nya ngayon ang nakakaalam at ilang kaklase nya last year. Pero sigurado si Ced na hindi nila ito idederetso kay Adal. Hindi ko alam paano nakarating kay Adal. Plano pa naman ni Ced na sya ang unang magsasabi kay Adal, na sa kanya malalaman ni Adal kahit na minsan sarili ni Cedric ang magpapahamak sa kanya.

Distracted Where stories live. Discover now