Distracted 61

2 0 0
                                    


~~~~~

"Paano kung hindi ko talaga maibigay sayo. What if, it takes you a more than ten months of waiting? Wala pa rin. Wala talaga?"

"Hindi na ko magkakagusto sa iba. Ayoko na. Kung iba ang pagbibigyan mo, okay, I can accept it. Masakit pero tatanggapin ko. Kung iba ang pagbibigyan mo, sayo ko pa rin ibibigay ang akin, wala na akong ibang pagbibigyan pa. Naibigay ko na sayo. Hinding hindi ko na bibigyan pa ang iba. "

After what happen a while ago, i guess we're okay? I mean we're really okay, nainis lang talaga ako sa nangyari kanina, but we're okay. Yeah, we're okay. I guess we're back on how we treat each other. Nagpapansinan na kami. Nag-uusap.

" So hindi ka magkakagusto sa iba? Hindi ka ma iinlove kahit na kanino?" paglilinaw ko sa ibig sabihin ni Cedric.

"Ayoko"

"Paano na? I mean hanggang sa magkaedad ka? Paano ka? Edi hindi mo mararanasan ang ikasal, yung family na tinawag. Hindi yun mangyayari sayo kung hindi ka magkakagusto sa iba."

"Ayokong magkagusto sa iba. Ayoko namang magkagusto sa iba pero yung totoo ikaw lang talaga. I won't do rebound. Unless it's for basketball." he smiled then winked at me.

Sabi ko kapit lang!

Nag-iwas ako ng tingin, itinuon ko ang atensyon ko sa mga daliri kong pinaglalaruan ko.

" Seryoso ako, Dal. Hindi na magbabago isip ko. Kung hindi ako. Kaya ko, kakayanin ko. Wala namang masama kung tatandang mag-isa. I prefer that...than loving someone who isn't you. "

shocks! Ang lamang loob ng ante nyo buhol buhol na naman!

Nag-angat ako ng tingin para makita ang reaction nya, halatang seryoso, seryoso talaga sya sa sinasabi nya. Hindi nya inisip na wala pa sa kalahati ang edad nya, he's 21, madami pa syang makikilala, madami pang dadaan sa harap nya na mga babae. Pero binaliwala nya na agad. Hindi pa nga nakadadaan sa harap nya, nag-ibang landas na sya. Naka focus na sya sa future. He likes the idea to get old without a partner. At kung hindi ako, tatanda talaga sya mag-isa.

Mula sa gitna ng oval, napunta sa akin ang paningin nya,

"bakit?" tanong nya, naramdaman ang paninitig ko.

Umiling lang ako bilang sagot.

"Naaawa ka ba sa mga taong mag-isang tumatanda?" pagtatanong nya.

"pipty pipty? I mean hindi naman awa na wala silang kasama, ganun. Malungkot ako para sa kanila kasi hindi nila nararanasan na ikasal, na magkaroon ng kapareha, na kasama nila habang buhay. Oo naranasan nila, noong bata sila, may family, pero iba yung sariling pamilya na ikaw mismo bubuo. Pamilya mo pa lang na andyan, masaya na sa pakiramdam, paano pa kaya kung ikaw na mismo bubuo ng pamilya diba...? The other fifty percent, I'm amaze for them, to chose that kind of life. They chose to see the word, with no one's at their side, sarili lang nila. Mahirap mabuhay mag-isa. Hanga ako sa mga taong kayang gawin yun, mas piniling gawin yun. "

"... And I thank you! " I smiled.

Unti unti nakitaan ko rin sya ng ngiti sa labi nya. We smiled at each other. Ako yung unang ngumiti pero mas nakakadala yung ngiti nya.

" Okay na pala ang love birds. Kapag hindi nyo kasama ang isa't isa, pareho kayong angry birds! "

Parehas nawala ang ngiti namin ni Cedric. Nakita namin si Trey na dalawang dangkal pa ang layo sa amin, nakahawak ang kamay sa kilay nyang pilit pinagsasalubong. Nasa likod nya si Jeromy.

" Kung may magagawa ka, gawin mo na, Cedric. Ayokong makakalapit sakin yan, pikang pika na ko sa isang yan!"

Hindi ako tinatantanan ng presensya ni Trey, kahit saan na lang.

Distracted Where stories live. Discover now