~~~~~"tayo lang andito?"
"tsaka kapatid ko. Kanina kasi andito mga tita namin"
"E bakit mo kami inaya dito kung andito naman pala tita nyo?"
Kaming dalawa ni Jaylo ang pumasok dito sa bahay nila. Si Khael hindi na namin alam kung saan nag sususuot.
"Wala lang. Lagi na lang kayo nasa dorm"
It takes two hours to get here. Their place is beautiful. Jaylo's house is big. Almost all the furniture used is antique. The theme of their house is vintage. It's beautiful. It's relaxing to hang out here. Maybe that's why I don't feel relaxed whenever I see Jaylo because she's not always here, hindi sya nagmana sa bahay nila.
In front, there's a big garden, it might even be a greenhouse. Knowing Khael, she's fond of gardens and anything in them. That's why she prioritized going into the garden rather than to enter here first.
Sumunod ko kay Jaylo sa taas, dumeretso kami sa isang kwarto. They have five rooms here in their second floor, may nakita pa akong malawak na terrace hindi gaya noong kila Vince na kalahati lang ata nitong kila Jaylo.
"Dalawang kwarto lang ang may t.v, doon sana tayo sa isa kasi malawak yung loob kaso makalat pa ata, gawa ng mga pamangkin ko" paliwanag nya sa akin. Binaba ko naman ang bag namin ni Khael na dala dala ko
"Ang ganda ng bahay nyo pero lagi kang nasa dorm, kahit walang pasok"
"Pumupunta ako dito pero saglit lang. Bukod sa byahe, andito kasi lagi mga tita namin"
"Ate?" may dumungaw na lalaki sa pintuan. Basa ang buhok nya at may towel na nasa balikat lang nya. Medyo basa din ang short nya na tanging suot lang nya
"Adal kapatid ko pala. Ja hindi ka muna nagbihis!"
"hindi ko alam na andito ka na"
"ngayon alam mo na" sabi ni Jaylo sa kapatid nya, binuksan ni Jaylo ang pinto at tumabi sya sa kapatid nya.
"Hindi kayo magkamukha" sabi ko. Gagi hindi nga. Kahit isang features nila, wala talaga sa isa't isa.
Tumawa ang kapatid nya "ampon kasi si Ate"
"ayan! Tumawa ka, magkamukha na kayo" sabi ko. This time si Jaylo naman ang natawa
"Kasama ko silang dalawa, si Adal tsaka si Kahel na nasa baba. Adal, si Jaja"
Imbis na magkamayan kami, nakipag appear sya sakin kaya.
Kasing tangkad nya ata si Khael. Hanggang bibig ko lang si Khael.
"grade 11 ka din ba?"
"hindi, Grade 10 pa lang. Bakit ikaw ate grade 11 pa lang?" tanong ni Jaja
"hindi ako. Yung kaibigan kong nasa baba, si Khael ang grade 11"
Tumingin sya sa ate nya "kala ko dalawa lang kasama mo?"
"Ah iisa lang yung tinutukoy namin, mas sariling pronunciation kasi yang si Adal. Pero ate Kahel ang itatawag mo kapag nakita mo sya"
Nagpaalam na ang kapatid nya na magbibihis may gagawin pa daw kasi ang ito.
"may pool ba kayo?"
"meron sa likod, kain muna tayo bago kayo maligo"
Bumaba na kami ni Jaylo at dumeretso sa kusina. Wala pa rin dito sa loob si Khael.
"Wala namang lumalamon ng tao sa garden nyo diba?"
"wala hahaha grabe ka naman"
"Naninigurado lang"
Nakita kong kumpleto sila ng gamit, binuksan ko ang cabinet at ref, kumpleto ingredients. Yaman. Paampon na lang kaya ako dito.
YOU ARE READING
Distracted
Teen Fiction~ "I can distract myself by watching some videos. I can distract myself by doing my assignments. I can distract myself by listening to my friends rants. I can distract myself by thinking about my family's situation. I can distract myself by spending...