Distracted 56

8 0 0
                                    


~~~~~

"You're five minutes late. Adal Juico."

Alam ko.

They all looking at me, my classmates. Worried written in their faces. Especially Raymart and Lian. Sila lang naman ang nakakaalam kung anong usapan namin ni Ma'am Mercy.

At bakit si ma'am Mercy ang andito sa room? Oo schedule ng exam nya ngayon samin. Pero hindi naman na kailangan pumunta pa dito.

"Minus five for you, Adal Juico." she handed the bubble sheet and test paper to me.

Nabitin ito sa ere dahil hindi ko tinanggap,

"Mag drop na lang po ako? Minus five, meaning, wala na po akong chance na ma perfect ang exam."

Ma'am wag kang papayag. Ang ganda ganda ko tapos hahayaan mo lang ako mag drop?

Binaba ni ma'am ang test paper. Okay, kinabahan ako. Hindi na ganda ko ang iniintindi ko, yung mga na-review ko!

Ipe-perfect ko ang exam sa subject nyo ma'am! Pero ayokong sabihin sa kanya, ayokong marinig ng mga kaklase ko. Magmumuka akong desperada.

"Bring your chair here." walang nagawa si Ma'am kundi iabot uli sa akin ang test paper.

Uy, si ma'am ayaw ako mawala sa klase nya haha!

I was about to get my seat at the back, but from the front of the side, Justin hurried up and went straight back. He took my seat and brought it here in front.

"salamat"

Inayos ko ang upuan ko at dinikit ko talaga sa table kung nasan si ma'am, nasa gilid ako ng lamesa nya at nakaharap sa pwesto nya.

"start na po ako ma'am" magandang ngiti ng binigay ko kay ma'am pero sinuklian nya lang ako ng pag-ikot ng mata nya. Hindi sya marunong.

Wala sana ako dito sa harap ni ma'am kung hindi ako late. Kung nag check kasi muna ng gulong yung dalawa. Sa motor ako ni Jayzel nakasakay pag-alis ko ng bahay, nasa highway kami nang biglang na-flat ang dalawang gulong nya. Sa totoo lang muntik na talaga kami maging angel kanina.

Nagtulak pa sya ng motor, hanggang ngayon yung motor nya nasa isang talyer. Talyer na sarado tuwing umaga. Galing talaga. Sakto nakita ko si Vince noong nagtutulak si Jayzel ng motor, sa kanya kami sumakay. Eh malas talaga. Na-flat ang unahang gulong nya. No choice, bumalik kami sa talyer, si Jayzel ang pinag tulak ni Vince, nag iwan naman ako ng note na paki hanginan, babalikan na lang namin mamaya.

Nag-antay pa kami ng jeep. Eto ngayon, late kaming tatlo. Mahigpit ang teacher nila Vince, ang nagbabantay sa kanila, nasabi nya kanina. Sana lang, pinapasok at pinag test sya. Si Jayzel? Wag na yun.

Pero sa totoo lang, hindi dapat sila Jayzel ang sinisisi ko. Come to think of it, hindi naman na si Jayzel ang sumusundo sa akin. There's one person, who promised, who always fetch me...wala! Bwisit. Inuna pag-iinarte.

First exam this morning, ended. We have fifteen minutes break before we proceed to the second exam. Lahat ng kaklase ko nasa labas. Nagpaiwan talaga ako dito sa loob. I am waiting for my score. Waiting if I am going to drop this subject or not.

Ma'am Mercy decided to check right away my exam. So I decided rin na bantayan sya. Taas ang isang kilay ni Ma'am habang manu-manong chini-check ang bubble sheet ko. Yes, check, wala pa syang nabibilugan na nagsasabing mali ang sagot ko.

Gripping my bag tightly, I'm nervous to be honest. Yes, I am confident while I was answering all the questions. But now? Here in front of ma'am, checking my paper, I'm nervous. I really don't know what am I going to do if I don't get a perfect score. Hindi ko talaga alam.

Distracted Where stories live. Discover now