~~~~~"Adal! Happy valentine's!" Larence, the first person in the earth who greeted me. insert sarcasm.
Maaga ang sched namin ngayon kaya umalis ako sa dorm na tulog pa si Khael, hindi nya ako nabati.
"morning. May pasok ka rin?"
"Wala man lang Happy valentine's Larence!??"
"Arte mo. Happy valentine's Larence" sabi ko sa kanya. Kala mo ikasisira ng puso nya kapag hindi ko sya binati. Sa kanya tuloy napunta ang unang bati ko
"Oy! wassup mah prends! Happy valentine's !!" narinig namin si Jayzel, nang makalapit sya samin bigla nya kaming inakbayan
"Adal naman valentine's na valentine's, may guhit dyan sa noo mo. " si Wenard na kasunod lang pala ni Jayzel. Nakalimutan ko, pare- pareho kaming may sched ngayon. Si Vince ata mamaya pa. Pero iisa lang ang sana namin ngayon. Sana wala na magturo mamayang hapon, hayaan sana kami ng nga guro na mag enjoy ngayong valentine's day.
"Adal chocolate namin?"
"andoon sa talyer, ginagawa pa lang"
"Kapag walang klase mamaya, sali tayo sa mga booth, yung may mga prize!!" ani Jayzel, excited na excited sya
"Sorry dude, you already on the list, jail booth. Binayaran na namin" si Wenard
Hindi namin mapigilan matawa ni Larence, totoo kasi. Kapag nakalaya sya, ikukulong ulit sya, apat kaming nagbayad para sa kanya
"Namin? Sino sino?" pagtataka nya. Nawala yung excited sa mga mata nya
"Kami syempre. Kami lang naman ang ayaw ka makita. Don't worry palalabasin ka naman kapag uwian na" paliwanag ko pa sa kanya
"Adal naman, seryoso ba? Okay sana kung wedding booth, pero jail booth? Talagang pinag aksayahan nyo pa ko ng pera-"
"Huwag kang feeling! Talagang ayaw ka lang namin makitang nag eenjoy hahaha" pang-aasar ni Larence. Nagtawan kaming tatlo maliban lang kay Jayzel na nagsisisi na atang naging kaibigan nya kami. Kung hindi sya nag cutting, baka hindi nya kami nakilala.
"Adal"
Napatigil kaming apat dahil may biglang tumigil sa harapan ko. May dala syang rose and chocolate. Hindi nakatakas sa paningin ko ang mga kasama nya na nakadungaw mula sa pader. Hindi ko alam kung sinusuportahan sya o inaasar.
"Wenard wala ka pala e-" narinig kong sabi ni Jayzel. Pinatahimik naman sya agad ni Larence
"Happ-y, Happy valentine's Ad, Adal" hindi sya makatingin sakin ng deretso habang inaabot nya sakin ang dala nya. Ang likot ng mga mata nya. Hindi ko tanda ang pangalan nya, ang alam ko lang naging kaklase ko sya noong senior high kami.
Nag-aalangan pa ko sa pagtanggap ng dala nya, baka kasi ma mis-interpret nya. Baka bigyan nya ng meaning.
"thank you" sabi ko sa kanya. Narinig namin ang hiyawan ng mga kaibigan nya. Hindi ko mapigilan mapa ngiwi. Kung wala itong meaning para dito sa nag bigay sakin, baka sa mga kasama nya meron
"Pasensya ka na sa kanila hehe...hu-huwag kang mag-alala, ano, wala yang ibig sabihin, gusto lang talaga kita bigyan. Ano... Ahh Yun lang, salamat kasi, kasi tinanggap mo" yun lang ang sinabi nya at umalis na, nilagpasan nya rin ang mga kasama nya. Akala ko pa hindi nya na matutuloy yung mga sasabihin nya.
"one for Adal and...and a lot? for Jayzel" sabi ni Wenard. Kunot noo akong tumingin sa kanya, nginuso nya si Jayzel na nasa tapat ng isang room hindi kalayuan sa amin. Tumatanggap sya ng mga chocolate sa mga babae.
"Hayaan nyo sya, makukulong na yan mamaya" sabi ko na lang at nagpatuloy na sa paglalakad, sumunod sa akin sina Wenard at Larence. Si Jayzel bahala na sa buhay nya.

YOU ARE READING
Distracted
Подростковая литература~ "I can distract myself by watching some videos. I can distract myself by doing my assignments. I can distract myself by listening to my friends rants. I can distract myself by thinking about my family's situation. I can distract myself by spending...