Distracted 65

6 0 0
                                    


~~~~~

Kanina habang nagtuturo si Sir, lutang na naman ang isip ko. Kinuha ko ang phone ko at nag message kay Cedric.

Sorry

Hindi ko naman alam na talagang pagtutuan ng pansin iyun ni Cedric.

"Oy! Lagi na lang kayo may pagpupulong!" narinig naming sigaw sa hindi kalayuan.

Humarap agad ako kila Larence at Kael,

"walang mangbabanggit kay Jayzel."

Hinawakan ko sa braso si Cedric,

"una na kami. Ingat kayo!"

"okay kayo? Hindi kayo magkaaway?" pahabol na tanong pa ni Jeromy.

"hindi. Gusto nyo bang mag-away kami?"

Umiling agad sila, lalo na si Vince.

Tatakasan ko sana si Jayzel kaso nakalapit na sya. Kasama nya si Wenard.

"Ano meron?"

"pinag-uusapan ka namin." sabi ni Larence

Biglang umakbay sa akin si Wenard. Pinag gigitnaan na nila ako ni Cedric,

"Hinahanap ka pala ni mama" he smirked.

Hindi pa pala kami tapos kay Jayzel.

Jayzel start humming a song, alam ko kung ano yun. Napaka siraulo talaga. Song by Kz Tandingan.

"Sabay ka Vince? May sasabihin ako." sabi ni Larence at tumingin pa sa akin. Na intindihin ko kaagad kaya tumango ako.

"Ngayon ba?" tanong ko kay Wenard

"Hindi naman...tinatanong ka lang sakin. Punta ka na lang kapag hindi ka na busy." he tapped my shoulder before removing his hand.

"okeee!"

"Mga gago talaga"

Sabay kaming tumingin kay Vince dahil sa pagmumura nya. Hindi ko alam na nakalapit na sya kay Larence. Mukhang sinabi nya na kay Vince.

Nagpaalam na ko sa kanila. Gusto ko sana isabay namin ni Cedric si Kael kaso may dala palang sasakyan si Jeromy.

Tahimik lang kami dito sa loob ng sasakyan nya, ni Cedric. Hinayaan ko na lang muna. Magtatanong naman yan kapag gusto nya.

Hanggang sa makarating kami sa bahay, sa loob ng bahay wala syang imik.

I'm not in the mood to bake, tinatamad ako. Naglabas lang ako ng tasty at mayo, tsaka prutas. Kung anong gusto nya kainin. Bahala sya. Kung gusto nya magluto sya, pwede naman. Ang tagal na kasi noong pinagluto nya ako dati.

He peeled the orange for me, peeling it, then give to me, instead of eating the oranges he peeled. Tinatanggap ko naman at kinakain.

"Okay ka lang ba? Masyado kang tahimik. Hindi ba tayo mag-aaral ngayon?" itinapat ko sa bibig nya ang orange na kinurot ko sa orange na hawak nya, iniwas nya lang ang ulo nya. Arte. Ako na lang kumain.

Arte, arte, arte! Ayaw pa magsalita. Hindi ko naman sya tinaggalan ng dila.

Bago ko isubo ang kinurot ko ulit na orange sa kanya, inunahan nya na ako. Hinawakan nya ang kamay ko at dinala sa tapat ng bibig nya, sya ang kumain ng orange.

Anong kaartehan yan, ha? Cedric?

Malapit na talaga ako maglagay ng cctv dito sa kusina. Papakita ko kila Jeromy na ganto ka umasta kapag tayong dalawa lang.

Nakaubos kami ng tatlong orange, inilayo ko na sa kanya ang iba. Pati na rin ang tasty. Akala ko kasi kukuha pa sya at hindi pa magsasalita.

"P-para saan yung sorry?" nag-aalangan nyang tanong.

Distracted Where stories live. Discover now