~~~~~"Walang naghatid sayo?" tinatanaw tanaw pa ni Justin ang labas, kulang na lang dumeretso sya sa mismong gate.
Buti nga napapayag ko si Cedric na 'wag na akong ihatid ngayon dito sa school. Halos araw araw na kasi nyang ginagawa ang paghahatid sundo sa akin. Kahit sa dorm, kila Kael lang ako uuwi. Kahit wala syang pasok, sige pa rin sya nang kahahatid at sundo sa akin.
Today's our first official photoshoot. Our school rented a studio. Doon na gaganapin ang una naming photoshoot. No need to worry daw kasi andoon na lahat. Sarili na lang namin ang kailangan dalhin at ihanda.
"Anong oras daw dadating ang sundo?"
"exactly 9 a.m" si Raver na kanyang ex ang sumagot sa kanya.
Nagkatinginan kami ni Justin at parehas napailing na lang. I don't know, when and, how, basta bigla na lang ako nagulat na alam ni Justin. And yeah, kaming tatlo, Justin, Miesy, at ako ang magkakasama na. Paminsan minsan nagiging apat kami kapag bigla na lang sumusulpot si Raver.
Obvious naman kasi na ayaw na talaga ng iba kay Miesy. Miesy is kind. And she's in higher level, respect is a must. A kind person like her deserve a respect. Hindi yung kung sino pa yung mga plastic yun pa talaga ang makakapal ang mukha na nagdedemand ng respeto.
"Hindi sasama manliligaw mo?" ako ang binalingan ni Miesy,
"Magkasama kami o" si Justin na binida pa ang sarili,
"Hindi ikaw tinutukoy ko...Adal, yung iba kasi may kasama. Support support ganun, pinayagan naman sila. Ikaw?"
I didn't let Cedric to drive me here, okay...that's the main reason. I don't want him to know that we have a schedule, pictorial. I'm not a hundred percent sure kung sasama sya o hindi. Pero natatakot ako, kinakabahan actually, kapag nagsabi sya sa akin na gusto nya akong samahan. Kaya minabuti ko na ang alam lang nya may pasok talaga ako ngayon.
"ayoko, kaya ko na sarili ko"
"tsaka andito ako-"
Itinuro ni Miesy si Justin na patuloy pa rin sa pagbibida sa sarili nya.
"sino ba 'to Adal? Ingay!"
"bodyguard ko yan" sabi ko.
"Pwede ko rin sya maging bodyguard? utusan na rin"
"Raver bodyguard daw sabi ni Miesy-ah!"
Kahit ako mapapasigaw kung ako ba naman batuhin ng high heels. Sa dibdib tinamaan si Justin. Yan kase ayaw tumigil.
"Walang kwentang bodyguard yan!"
"e si Larence?" maintriga kong tanong.
Bakas sa mukha ni Miesy ang pagkagulat. Hindi nya alam na alam ko na kung sino ang crush nya. Hindi nya sinabi o inamin sa akin. Napapansin ko lang. Sinubukan ko lang kung tama ba talaga ako, sa nakikita ko ngayon, tama ako.
Si Larence ang crush nya. Gusto ko ilapit si Miesy kay Larence kaso may pinagkakaseryosohan ang unggoy.
"Face muna ang focus ng camera. Awra kung awra. Give your genuine and perfect smile! And ready your most fierce look. Ayokong naiilang sa camera! Kailangan pagka tungtong sa gitna. Pose! Wala ng emerut kaartehan!"
We are all in our silence as Delvs...Delvs, that's what he said how to address him. He's the owner of this studio. Pinapaalalahanan nya kami sa mga gagawin namin.
Our department loves Delvs, kaya simula noong unang pageant hanggang ngayon. Sya na ang nagtuturo, nag hahandle sa mga participants, lalo na pagdating sa mga pictorial, posing. Yung iba sa amin kilala na sya, ako na unang sali lang, hindi ko sya kilala. Hindi ko tuloy malaman kung istrikto sya o hindi. Oo ata.
YOU ARE READING
Distracted
Teen Fiction~ "I can distract myself by watching some videos. I can distract myself by doing my assignments. I can distract myself by listening to my friends rants. I can distract myself by thinking about my family's situation. I can distract myself by spending...