Distracted 28

10 1 0
                                    


~~~~~

Tumingin sya sa paligid, iniwas ko agad ang tingin ko. Bakit ako kinakabahan. Ang lakas ng pintig ng puso ko. Nakaramdam din ako bigla ng ilang. Binalik ko ang tingin ko, naabutan ko syang nakatingin sakin. Kung saan saan ko na dinapo ang tingin ko, hindi ko matagalang tingnan, hanggang sa yumuko na lang ako at pinagpatuloy ang pag kain.

Katabi ko si Kael, hindi ko alam kung nakita nya rin si Cedric. Si Jayzel na kaharap namin at nakatalikod sa bandang entrance at counter. Ilang beses akong napatingin sa kanya, ganoon pa rin ang ayos ng mga mata nya, nakapirmi lang sa akin.

I haven't seen him at school for several days, he's not there. And even when Trey says he passes by the school every morning, I still don't see him. During the days I didn't see him, I thought I would be okay, I thought I would feel at ease, but no, nothing changed. The way I feel when he's near me is the same as when he's not. It just got worse now that after several days of not seeing him, I suddenly see him.

Nakita kong may notification galing sa messenger ko. Si Trina. Trina? Hindi naman ugali ni Trina na mag message sa akin.

Nakita mo lang si Cedric, natahimik ka na 😎

Salubong ang kilay ko sa chat nya. Bukod sa pinagtataka ko yung paraan nya ng pag message sakin,

Tumingin tingin ako sa paligid at nakita ko si Trina, kaharap nya si Trey na may hawak ng phone. Kinakaway kaway pa sakin. Sa pwesto ni Trey kitang kita nya kung sinong pumapasok at kitang kita nya rin ako dito. Walang pake si Trina at Remi sa pinag gagawa ni Trey. Nakita ko syang nag type ulit

Miss mo noh? Ilang araw mo ba namang hindi nakita 😝😝

apaka gago talaga!

"Huy may kaaway ka ba?" biglang tanong ni Jayzel

"huh?"

"sinong minumura mo?"

Kahit si Kael nakatingin din sakin. Kala ko sa isip ko lang namura si Trey. Napalakas pala.

Masamang tingin ang binaling ko kay Trey. Parehas kaming napatingin sa kalapit lang nilang mahabang lamesa kung saan puwesto sila Cedric. Galing sakin ang tingin ni Cedric at binaling nya kay Trey. Binalik ko rin kay Trey ang tingin ko. Agad nyang nilapag ang phone ni Trina at kumaway kaway pa kay Cedric at sa kasama nito.

"Hindi ka naman nakikinig Ad! Sino bang tinitingnan mo?"

Kaharap ko lang si Jayzel pero wala akong narinig na may sinasabi sya sakin

"Si Cedric" sabi ni Kael. Agad naman tumingin si Jayzel sa bandang likod nya.

"Sya rin ba minumura mo?"  tanong nya nang humarap sya ulit sakin

"huh? Hindi a!"

"tunog defensive ka naman hahaha. Ayaw na ayaw mamura si Cedric"

"manahimik ka. Hindi ko sya mimumura!"

"oo na hindi na, diba Kahel hindi? Hahaha"

Tumingin ako sa katabing kong natatawang tumango kay Jayzel. Bwisit. Bakit ba napapaligiran ako ng mga taong walang ginawa kundi asarin ako.

"Ad tara na ba o hihintayin nating matapos din sila Cedric" tanong ni Jayzel nang matapos kaming kumain

"Bakit naman natin sila hihintayin?"

"Malay ko sayo. Bakit nga ba? noh Kahel? Bakit nga ba?"

Tumango tango na naman si Kael. Kuhang kuha nila inis ko ngayon. Ilang araw na, simula kay Trey hanggang kay Kael. Walang araw na hindi ako naiinis, noong ilang araw na wala si Cedric araw araw ko pa ring naririnig ang pangalan nya. Kahit ako na lang ang mag-isa. Pangalan nya pa rin.

Distracted Where stories live. Discover now