~~~~~Pagkapasok ko sa canteen, nakita ko agad ang mga kaibigan ko...
napunta sa kabilang gilid ang tingin ko, kung nasaan si Cedric. Kasama sila Jeromy, Trey, at Vince.
Trey smiled at me, and Vince waved at me. They were the ones facing the entrance. Because of what they did, Jeromy turned to look at me, even nudging Cedric, who then pointed at me with his lips
Hindi ko alam kung lingon ba yung ginawa ni Cedric, hindi ko nga alam kung nakita nya agad ako.
"Anong meron?" tanong ko kila Larence pagkaupo ko sa harap nila.
"Saan?"
"Bakit hindi kayo magkasama? Inaway nyo si Vince?"
"Grabe ka naman Ad, kung nag-away nga. Kakampihan mo si Vince -"
"Hindi yan ang ibig kong sabihin. Drama ka na naman. Bakit hindi sya dito?" sagot ko kay Larence.
"Yan ang itatanong mo o...bakit hindi dito sila, lalo na si Cedric?" tanong ni Wenard.
Ipagpapasalamat ko ba na wala dito si Jayzel?
"Hindi naman alam Ad. Nauna na sila dito sa canteen, dito na rin kami umupo." sabi pa ni Wenard.
Kababalik ko lang dito kila Larence galing sa counter para bumili ng pagkain ko, napatingin ako sa sa pwesto nila Vince. Umalis si Cedric at Trey, simundan ko sya ng tingin. Hindi nya man lang ako pinansin.
Tumingin ako kay Jeromy, nagkibit balikat sya sa akin.
"Magkaaway ba kayo?" may inis sa tono ng pagtatanong ni Wenard.
"hindi"
What's with him? Wala akong maalala na sinungitan ko sya o may nasabi ako na hindi nya gusto. Iinarte na naman sya.
"Naninibago lang tayo kasi hindi sila magkasama. Mamaya parang kambal tuko na naman yang dalawa. Don't fret Wen!" Larence said to us, to Wenard.
Never mind. Cedric is Cedric. May sarili rin syang mundo, may ibang ginagawa, hindi lang naman sa akin iikot maghapon, o araw araw yung mundo nya.
Kahit sinabi na ni Larence na huwag na mag-alala, mukhang hindi sang ayon si Wenard,
"Sure ka ba Ad? Napapadalas kaya pag-aaway nyo ni Cedric. I mean hindi pagpapansinan."
"Wenard okay kami. Wala kaming problema. Baka nga masyadong ka lang nasanay na magkasama kami. Tsaka ayaw nyo yun? Kayo ang kasama ko?"
"Kaya nga pre, wag mo na nga alalahanin. Ad mamaya sama ka samin!" biglang pag-aaya ni Larence.
"Saan na naman?"
"Kila Cedric -"
"Gago ka ba?"
"Hoy!"
Pare-parehas kami nag-angat ng tingin sa kung sino mang tumawag.
Kung salubong ang kilay nya mas nagsalubong ang akin,
"ano kailangan mo?" tanong ko kay Trina
"Hindi ko mahanap si Remi. Ikaw na lang sumama sa akin-"
"you have a phone right? Tawagan mo."
"Dalian mo na"
"Speaking of, nahanap mo na cellphone mo?"
Kung hindi ang nagsalita si Wenard, may chance na hanggang mamaya kami magtitigan nang masama ni Trina.
Tumingin ako kay Larence, "Oo, kaso nawawala yung sim."
"Nasayo na? Sayang...bibili pa naman kita bago-"

YOU ARE READING
Distracted
Fiksi Remaja~ "I can distract myself by watching some videos. I can distract myself by doing my assignments. I can distract myself by listening to my friends rants. I can distract myself by thinking about my family's situation. I can distract myself by spending...