Distracted 48

11 1 0
                                    


~~~~~

Kaninang umaga pa natapos ang prelim namin. No joke talaga pagdating sa exam kapag college na. Minsan pati pagiging living thing mo dito sa mundo, pagdududahan mo.

"Si Cedric?"

Nag-angat ng tingin sa akin si Jayzel at sinamaan ako ng tingin.

"ano ka? Tinatanong ko lang kung asan sya"

Si Jayzel at Vince lang andito sa oval. May exam pa ata ang iba. Pero si Vince andito, kaklase nya naman si Cedric.

"Nasa library" si Vince na ang sumagot sa akin.

Napansin ko na may libro at notebook sa harap nya, may exam pa siguro sila. Hindi gaya nitong si Jayzel, pagkain ang nasa harapan.

"Jayzel anong magandang talent? Wala akong naiisip"

Tinapos muna ni Jayzel ang pagkain nya bago ako tuluyang harapin. Priority nya talaga ang pagkain.

"talent mong mag sketch diba? Yun ang gawin mo."

"Ano, on the spot ako mag sketch? 3-5 minutes lang daw dapat ang talent na gagawin namin. Baka isang hibla pa lang ng buhok ang magawa ko doon." paliwanag ko kay Jayzel.

"sumayaw ka, back up mo kami" suggest ni Vince.

"O kaya role playing. Kasal kasalan-"

"Ge Jayzel tuloy mo. Binabalik mo na naman yung mga palpak na gawain mo dati"

Wala akong nakuhang matinong idea kila Jayzel at Vince. Puro kalokohan lang. Nauwi lang ang pagtatanong ko sa mga kalokohan na mas naiisip pa namin.

Pag talaga ako walang naisip, five minutes akong matutulog sa stage.

"Adal!"

Dala dala ang paper bag na may lamang high heels, lumapit na agad ako kay Miesy. May kapatid pala sya dito sa senior high, kaya napagkasunduan namin na dito na lang muna kami mag pra-practice. Mas gusto ko rin dito kesa sa kabilang kalsada kung asaan yung colloge namin. Baka kasi may matanaw na naman ako, matapilok pa ako kahit hindi pa ako naglalakad.

Nagsabi ako kay Miesy kung pwede nya ako turuan maglakad. Para kapag nagsimula na ang rehearsal namin, hindi na ako patanga tanga sa paglalakad.

Pinayagan naman kami ng guard, parehas kaming malakas sa guard. Nalaman ko rin kasi na pabalik balik rin dito si Miesy. Nasanay na sa amin ang guard.

"Kanina pa kayo dito? Magkasama?" tanong ko kay Miesy nang makita ko sa gilid si Raver. Partner nya na ex nya.

"Sumunod sya. Ewan ko ba dyan. Halata namang hindi sya komportable sa akin, lapit pa rin nang lapit."

"Baka gusto ng comeback..."

I saw how her face contorted because of what I just said.

"He's my ex. Pangalawang beses ko na syang naging ex. Hindi na aabot ng tatlo o higit pa!"

Sinadya nya atang lakasan ang pagkakasabi nya kahit ang lapit ko lang sa kanya.

Baka mag-away pa silang dalawa, kaya hindi na ako nagsalita pa tungkol sa pasaring ni Miesy.

Tinuruan ako ni Miesy kung paano ang tamang pagtaas ng paa. Hindi yung basta iaangat mo lang yung paa ko para masabing naglalakad ka. Hindi ko naman alam na maraming arte sa ganito. Paa pa lang to ha!

Mula dito hanggang sa dulo nitong court, nirarampahan namin. Ayoko pa sanang tumigil kaso pinigilan na talaga ako ni Miesy, kailangan kong magpahinga, baka raw sumakit ang paa ko dahil una ko pa lang ito.

Distracted Where stories live. Discover now