Distracted 43

7 1 0
                                    


~~~~~

Nauna syang maglakad papunta kay manong na nagtitinda ng cotton candy. Hangang sa makarating sya sa tabi ni manong, ako andito pa rin sa tabi ng sasakyan nya. Itinuro nya sa akin ang cotton candy na nasa harap nya.

"isa lang" sabi ni Cedric sa akin pagkalapit ko.

"thank you po" sabi ko kay manong. Humarap na ako kay Cedric at ibinigay sa kanya ang cotton candy. Nag aalangan pa sya sa pagtanggap. Ayaw nya talaga.

Ayaw ko rin. Ayaw ko rin na sa lahat ng nagastos nya sa akin itong tag sampung pisong cotton candy lang ang ibibigay ko sa kanya.

"ate palimos po" isang bata ang kumalabit sa akin. Ayaw ko sana syang bigya ng pera kaso wala akong pagkaing maibibigay ngayon. Inabutan ko sya ng bente pesos.

"salamat po..." sabi ng bata, akala ko aalis na sya pero sa harap naman sya ni Cedric tumayo. Walang ano ano binigay ni Cedric ang cotton candy sa bata. Nagpasalamat ang bata, tuwang tuwa dahil sa natanggap nya at umalis na.

Binigay ni Cedric ang cotton candy na binili ko. Ayaw nya talagang tanggapin.

Hindi na nga ako sang-ayon sa sinabi nya kanina na bawing bawi na ako kapag binilhan ko sya ng isang cotton candy, ngayon naman binigay nya sa iba yung binili ko para sa kanya.

Oh gosh! gusto ko lang naman makauwi agad, bakit naman sakit ng ulo binigay nyo sakin!

"Hoy!" tawag ko kay Cedric. Tumingin sya sa akin agad. Pinag taasan ko sya ng kilay, ano pang tinatayo tayo namin dito?

"Uuwi na ko"

"Iuuwi na kita, tara na." sabi nya. Pina una nya na akong maglakad. Hanggang sa makapasok kami pareho sa sasakyan, parehas kaming tahimik.

Pinaglalaruan ko lang ang bracelet na suot ko. Wala akong magawa. Bakit pakiramdam ko naging doble yung daan pauwi sa bahay namin. Ang tagal. Hindi rin ako makadungaw sa labas ng bintana kasi nakasara.

Nilingon ko si Cedric pero nadatnan ko syang nakatingin sa akin. Binalik nya sa kalsada ang tingin nya.

Nakarating na kami sa tapat ng bahay. Uunahan ko na sana sya, ako na ang magbubukas ng pinto para sakin kaso naka lock ito. Kaya naman pala hindi sya bumaba agad.

"Buksan mo na. Salamat sa pag hatid."

Nanatili syang nakatingin sa akin.

"Cedric buksan mo na. Baka lalo lang ako mainis sayo."

"Okay na, Dal. Nakabawi ka na. Diba sinabi ko yung cotton candy-"

"pero hindi mo kinain...Binili ko o hindi, kinain mo man o hindi, wala na akong pake, hindi pa rin ako sang ayon sa sinabi mong nakabawi na ko."

"I'm sorry."

"Iyo na yang sorry mo, hindi ko tatanggapin yan." sabi ko sa at iniwas na ang tingin sa kanya, binalingan ko na ang pinto ng sasakyan "Buksan mo na. Salamat sa pag hatid."

Nakahawak lang ako dito sa pinto ng sasakyan hinihintay na buksan nya.

"Alam ko na ibibigay ko sayo. Gasolina. Para kahit papaano may ambag ako dito sa paghatid hatid mo sakin-"

"Adal" biglang tawag nya. Narinig nya ata yung binubulong bulong ko.

"Oo na, oo na. Hindi na. Nakabawi na ako kung nakabawi! Buksan mo na. Gusto ko na pumasok sa bahay namin" inis na sabi ko.

Sinasabi ko na talaga isang dangkal lang ang pasensya ko. Inuubos nya talaga.

May narinig akong tumunog, tinry ko ulit ang pintuan nitong sasakyan at nabuksan ko na.

Distracted Where stories live. Discover now