~~~~~Sinabi ko na sa mga magulang ko na gusto ko na umuwi. Hindi lang dahil sa gusto ko na dito kami mag new year. Dumagdag na sya sa rason kung bakit gustong gusto ko na umuwi. I really miss her. Ilang beses ko na rin atang nabanggit sa kaibigan namin ang pagka miss ko sa kanya. Pero hindi pa sapat. Alam kong hindi pa sapat. Gusto ko sa kanya ko na mismo sasabihin.
"Lapitan mo na, Ced. Baka pare-parehas pa tayo mag-amoy sunog na hotdog dito."
Binagalan ko ang paglalakad ko papunta kay Adal. Alam kong nataranta sya dahil sa sigaw ni Vince kanina. Kasalukuyan nyang inaayos ang mga iniihaw nya. She's cute.
"Huwag ka munang lalapit!"
Hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa kanya, pinahinto nya agad ako.
Kung alam mo lang Dal, noong pasko pa kita gustong takbuhin.
Tapos naman na sya sa ginagawa nya. Wala na rin namang masyadong usok. Naglakad na ako ulit palapit sa kanya, kusa rin akong huminto, nang samaan nya ako ng tingin.
"Isa, Cedric. Sabi ko 'wag ka munang lalapit!" naiinis nyang sabi.
"Gusto kita, Dal. Gusto kitang sundin, pero hindi muna ngayon."
Tuluyan na akong pumunta sa harap nya. Agad ko syang hinawakan sa kamay dahil sa ginawa nyang pag-atras. Nagsisilbing harang sa pagitan naming dalawa ang braso at kamay nya.
"Bitaw. Alis dyan."
"Bakit?"
Nag-iwas sya ng tingin sa akin. Nanatili pa ring makasalubong ang mga kilay nya.
"Dal"
She pouted, "Ang baho ko."
Hindi ko napigilan na hindi maglabas nang mahinang tawa dahil sa sinabi nya.
"Amoy usok ako oh, amoy sunog na hotdog pa–
Hinila ko na agad sya palapit sa akin at niyakap.
Kala ko naman kung ano na, kung bakit ayaw nya akong lumapit sa kanya.
" Hindi naman masyado." tawa ko
" gago ka talaga. "
" Masyado kang nag pa miss, Dal. Wala na akong pake kung anong amoy mo, gustong gusto kita yakapin."
I snaked my arms on the back of her waist.
"Hindi ako nagpamiss. Iniisip mo lang yan. Kasalanan mo rin naman. Hindi ka umuwi. Alis alis ka pang nalalaman."
Why is she sound like a mad girlfriend of mine. I pinch her nose and leave a peck of kiss on it.
"Pinagsisihan ko. Kaya pinilit ko na umuwi na ngayon."
Tumaas ang isang kilay nya, "Kung makapag salita ka, parang may relasyon tayo a. Wala kang obligasyon sa'kin."
"Meroon. Matagal na 'kong may obligasyon sa' yo, Dal. Simula pa nung nagkagusto ako sayo. Maliban lang sa gustuhin ka araw-araw, madami pa akong obligasyon na ipinangako sa sarili ko, para sayo." paliwanag ko sa kanya.
Lahat ng ginagawa ko, lahat ng binibigay ko sa kanya, kusa yun lahat. Kahit ayaw nya, kahit hindi nya sinabi, kahit hindi nya hinihiling. Kusa kong gagawin at ibibigay sa kanya lahat. Gusto ko sya, obligasyon ko na ibigay at iparamdam sa kanya lahat ng magagandang bagay.
"it's too early to say that...? Obligasyon, mabigat na bagay yan, Ced. Hindi yan basta salita lang. Pwede pa magbago yan. Madami ka pang makikilala, ma e-experience. Madami pa tayong gagawin. Mag-aaral, gragraduate pa. Work. Busy days will come. Hanggang sa maging successful na tayo. Malay natin...let's say naging tayo na, tapos mga months lang tinagal natin–
![](https://img.wattpad.com/cover/362921217-288-k811858.jpg)
YOU ARE READING
Distracted
Teen Fiction~ "I can distract myself by watching some videos. I can distract myself by doing my assignments. I can distract myself by listening to my friends rants. I can distract myself by thinking about my family's situation. I can distract myself by spending...