~~~~~76 - 73 ang score. Panalo sila. Panalo ang Team Adal's.
Kahit kami ni Kael napatayo na kanina dahil lamang ang kabilang team. But Vince scored! His three points, shot! Hindi ko inexpect na magaling ang makakalaban nila ngayon.
Hindi ko alam kung kailan ang sunod nilang laro. On going pa ang game, hindi pa rin alam kung sinong makakaabot sa finals. Pero sana kasali ang Team Adal's sa finals.
"Tara na" yaya ni Kael.
Lumabas na kami ni Kael sa court. Meron pa kasing maglalaro, hindi naman na namin kilala kaya hindi na namin panonoorin.
Ngayon ko lang napanood na maglaro sila, mga kaibigan ni Cedric, at si Cedric. Iba yung nakikita ko sa kanila kapag sila sila lang ang naglalaro, kapag practice-practice lang amg ginagawa nila. Yung ngayon na napanood ko, ganoon talaga ata sila maglaro. Parang sila Larence, nag-iibang tao kapag naglalaro na, kapag seryosong laro na.
Magaling si Cedric. Hindi sya mukang taong court, I mean hindi gaya ng mga kaibigan ko na kapag wala talagang ginagawa laging nasa court. Pero kung maglaro sya kanina, sanay na sanay sya. I didn't expect him to play like that. Kala ko kasi minsan lang sya humahawak ng bola, tingin ko kasi sa kanya, taong bahay sya, may sariling court ganoon. Pero mukhang mali ako. Mukang kagaya din sya nila Jayzel na kapag may free time, nasa court talaga.
"Kael may sarili bang court sila Cedric?" wala sa sariling tanong ko.
"Basketball court? Wala."
"e kayo? Si Jeromy?"
"wala rin."
Masyado atang rich kid ang tingin ko sa kanila.
Nagtitipa ako ng mensahe kay Larence na andito lang kami sa may labas, sa gilid ng munisipyo. Baka kasi mamaya, hanapin na naman nya ako.
Napansin ko na wala akong suot na bracelet! Sa tuwing hawak ko ang phone ko lagi akong npapatingin sa bracelet na nasa kaliwang kamay ko. Ngayon, wala akong makitang bracelet.
"Kael yung bracelet nahulog ko ata" sabi ko kay Kael
"Anong bracelet?"
Tinaas ko sa kanya ang kamay ko at tinuro ito "yung bracelet ko. Yung beads."
Nagsimula na akong tumingin tingin sa mga nilalakaran ng mga ibang andito.
Pero hindi yun nahuhulog sakin. Sakto yun sa kamay ko at hindi yun nahuhubad.
"Yung galing kay Cedric?" tanong nya. Tumango naman ako.
"Suot mo ba talaga ngayon? Baka nasa dorm lang"
"Suot ko yun. Sure ako. Sinusuot ko ulit agad yun kapag tapos na akong maligo."
Nagsimula na rin syang maghanap at tumingin tingin sa paligid. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang mga picture namin kanina. Suot ko nga. Pinakita ko pa kay Kael para alam din nyang suot ko.
" hanapin natin sa loob? "
Napatingin ako sa court, wala pa namang naglalaro kaya kalmado pa ang lahat.
"Ako na lang babalik doon."
"Titingnan ko sa loob." turo nya sa loob ng munisipyo.
"Adal kapag wala. Balik ka na agad dito" paalala nya pa sakin.
Binalikan ko agad ang dinaanan at ang pwesto namin kanina. Sa daan wala akong makita. Sana naman hindi nasipa o naapakan.
"Ate may hinahanap ka?" tanong sakin ng isang babae. Sila rin ata itong kalapit namin kanina. Hindi sila umalis dito sa pwesto.
YOU ARE READING
Distracted
Teen Fiction~ "I can distract myself by watching some videos. I can distract myself by doing my assignments. I can distract myself by listening to my friends rants. I can distract myself by thinking about my family's situation. I can distract myself by spending...