~~~~~"Akala ko mamayang tanghali pa?"
"Aalis daw si ma'am mamaya. Buti naagahan mo. Tara na"
Takbo na ang ginawa namin paakyat sa room ni ma'am. Bwisit talaga, oras nya talaga ang masusunod. Ang ayos ng usapan kahapon, tanghali kami mag re-retake. Magpapasalamat pa ata ako sa kaingayan ni Kael kanina, umagang umaga kung ano ano nahuhulog nya. Kung hindi sya tatanga tanga kanina, baka hindi ako nagising at baka hindi ko nakita ang message ni Lian na kaklase ko.
Pare-parehas pa kaming hinihingal pagdating sa room ni ma'am. May mga upuan na rin na andito. Mukang may nag retake kahapon mula sa ibang section.
"Good morning. Five minutes. Before you all start answering your quiz."
Anong good sa morning kung ikaw ang bubungad! Mamaya pang 10 a.m ang klase namin. Pero dahil sa pagbabago mo ng sched pumasok tuloy kami ng napaka aga.
"Ms Juico..." tawag ni ma'am sa akin. Lumapit sya sa pwesto ko hawak hawak ang test paper namin.
"I heard that you're representing your section for Ms tourism. Baka nalilibang ka. I was expecting you to get the highest score yesterday, to get a perfect score actually." she's looking at me intently. It is so obvious that she's expecting from me even if she doesn't say it.
" I didn't say you should expect anything from me. It's not my problem po if I didn't meet your expectation, ma'am. Passing score is 130. My score is 124. Kung ginawa nyo pong 120 ang passing ko, wala po sana ako dito. Hindi po sana nasira expectation nyo sakin."
Yes, she's one of the terror teacher here in our department, in our school rather. Kinatatakutan ng iba. Hindi ako kasali. May naririnig kami sa ibang higher level na ang isang maling galaw mo, katumbas ay lima sa kanya.
Pinagtaasan nya ako ng kilay, nanatili ang tingin ko sa kanya.
"Out of 150 items you only got 124? I thought you're smart? you are not..." mas lalo syang lumapit sa akin,
Sa totoo lang, nainsulto ako sa sinabi nya.
"bobita"
"yes I can say that I'm smart. I know in myself that I am. Hindi ko na po problema kung bobo tingin nyo sa akin dahil wala ako sa passing score kahapon." I muttered, I try not to raise my voice. She's rude, but I'm not letting myself to be rude too, even for her I may look so rude right now.
Umawang ang labi ni Ma'am, hindi ata inaasahan ang mga sinabi ko. Bago pa man sya makapang insulto inunahan ko na sya,
" if you may ma'am? Five minutes passed, we'll start answering our quiz."
Inilapag ni ma'am ang test paper sa desk ko, pati ang test paper nila Lian at Raymart. Tinalikuran na rin ako ni ma'am at de-deretso sya umupo sa kanyang swivel chair.
She then glared at me," 150 items. Passing score, 145. Directly zero on your record if you don't get the passing score."
Tang!na talaga.
Isa't kalahating oras ang binigay sa amin para makapag sagot.
"Sorry" mahina kong sabi kila Lian at Raymart. Andito kami sa dulo ng room, magkakalapit, pinapanood si ma'am na icheck ang papers namin. May ilang teacher na rin ang narito.
"Yung ginawa mo kanina, gustong gusto kong gawin noong napagalitan nya ako last month. Ang tapang mo, Adal." Lian said.
"Hindi mo kailangan mag-sorry...thank you sayo. Thank you dahil may nakapag salita kay ma'am. Tapang mo nga, Adal" dagdag pa ni Raymart. Nakipag appear sila sa akin ni Lian.
YOU ARE READING
Distracted
Ficção Adolescente~ "I can distract myself by watching some videos. I can distract myself by doing my assignments. I can distract myself by listening to my friends rants. I can distract myself by thinking about my family's situation. I can distract myself by spending...